Ilang minuto na siyang nasa harap ng main gate ng mansyon ngunit tila inuunahan si Nessa ng kaba. Aalis na sana siya nag magbukas ito at lumabas ang isang lalaki nagulat ito nang makita siya na nakatayo sa tapat ng gate. "Ate! Ate Nessa!? Ikaw nga, bakit hindi ka pumapasok kanina ka pa ba riyan? " Hinala naman siya ni Liam at pinapasok sa mansyon. Pagkapasok niya ng mansyon agad siyang sinalubong ng seryosong mukha ng ina ni Markus. "Anong ginagawa mo dito Nessa?" tanong into. Hindi naman sumagot si Nessa bagkos tumungo lang ito. "Narito ka ba para saktan ulit ang anak ko?" muling tanong ni Marlem. "Hindi po, narito po para kausapin siya, narito po ako para makipag ayos kay Mar.. " Hindi na naituloy ang pagsasalita ni Nessa, sapagkat binigyan siya ng isang malakas na sampal

