Simpleng pinagmamasdan ni Nessa si Markus dahil nag pupursigi itong matutunan ang dapat gawin na pinapagawa n'ya. "Ano Markus, kaya pa?" wika ni Nessa na naka pamewang pa paharap sa binata. "Wala naman akong hindi kayang gawin para sa'yo eh, " tugon ni Markus na may kasamang matamis na ngiti. "Huwag masyadong mayabang Mr. Sevilla, baka sa una lang 'yan kalaunan wala na suko kana?" Umirap pa si Nessa kay Markus. Ngumisi lamang si Markus kay Nessa. Pinaparamdam nito na kaya niyang gawin ang lahat para maiparamdam na seryuso siya sa pakikipag ayos sa asawa. Pero ang totoo hirap na hirap na siya. Ramdam na ramdam ni Markus ang sakit ng araw na tumatama sa kanyang balat, ngunit hindi niya ito ini-inda. Ayaw niyang iparamdam, ipaalam kay Nessa na mahina siya. "Aray!" sigaw ni Ma

