Gabi na nang maka uwi si Markus at Nessa buhat sa cemetery. Dumaan pa kasi sila ng restaurant ni Steven upang mag dinner. Kaya pagkadating nila nang mansyon ay halos tulog na ang mga tao. Sa unang pagkakataon ngayon lang ulit papasok ng kanilang kwarto si Nessa . Pagkapasok n'ya ng kwarto agad n'yang nakita ang kanilang picture frame nong sila ay kinasal. "Bakit napaka seryuso mo dito Markus? Hindi ka man lang ngumiti sayang, ang gwapo gwapo mo pa naman diyan." At tinuro ni Nessa ang picture frame na malaki. Napakamot naman nang ulo si Markus. "Pero dito ang ganda nang ngiti mo, sayang saya mo Markus dapat ganyan ka lagi super happy." Muling turo ni Nessa sa isang picture frame, sa pagkakataong iyon family picture nila kuha ito nong nagbakasyon sila sa Batangas. Napatitig si Nessa

