"Seph!! Ano ba? Bilisan mo nga d'yan. Alam mo naman dapat maagap pa naroon na tayo sa bayan diba!" sigaw ni Nessa kay Joseph. Nasa labas na siya ng kanilang bahay. Every weekend ay pumupunta sila ng bayan upang magbinta ng mais at malagkit na bigas dahil summer mas maraming turista, mas maraming angkat sa kanila ng merkado. "Sandali! Nagbibihis pa ako eh, saka ang aga aga pa kaya. Naku, nagmamadali ka lang kasi gustong gusto mo lang mabili ang bagong labas nang poster nang iyong hinahangaan billionaryong suplado," tugon ni Joseph kay Nessa. "Hindi ah, alam mo naman. Ahmm.. Sige na nga oo na, eh kasi naman nong nakaraan naubusan ako nang poster ni charmer kaya dapat maka bili ako ngayon. Sige na Seph, mag madali na tayo." Bahayagya pang kinatok katok ni Nessa ang pinto ng kwarto nito.

