"Tita Carmel, mabuti naman po at naka uwi kayo ng maayos kumusta ang biyahe n'yo?" salubong bati ni Nessa sa kanyang tita na kakarating lamang.
"Ito, nakakapagod na biyahe. Ikaw kumusta? mukhang masaya ka basi sa mga text mo sa akin anak?" tugon nito sa kanya.
"Ahmm... Ewan ko Tita, basta masaya ako ngayon. Oh, Tita nagugutom kana ba? At ipag luluto kita tiyak pagod, at gutom ka. maiwan na muna kita Tita at ipaghahanda kita ng makakain." Agad tumungo si Nessa sa kusina upang magluto.
Pagkatapos n'yang ipagluto at ipag hain ang kanyang tita ay nagpa paalam s'ya dito upang lumabas dahil kikitain n'ya si Markus.
"Tita, aalis lang ako saglit ha. May kikitain lang ako babalik din po agad ako." Paalam n'ya sa tita n'ya.
Tanging tango tango naman ang sagot nito sa kanya.
Agad pinuntahan ni Nessa ang condo ni Markus, dahil tanging ito lamang ang alam n'ya kung nasa saan si Markus kapag hindi n'ya nakukuntak. Kagabi pa kasi n'ya tinatawagan ito pero hindi sumasagot. Kahit sa mga text n'ya ay walang reply ito, kaya naisipan n'yang puntahan na lamang ito.
Tatlong bisis n'yang pinindot ang doorbell ng condo ni Markus upang makasiguro na may tao sa labas upang agad sayangin pagbuksan.
At sa pangatlong bell ay lumabas ang lalaking hinahanap n'ya mukhang kakatapos lamang nito mag shower dahil naka tapis pa ito ng towel at basa pa ang buhok.
"Nessa! Anong ginagawa mo dito?"
Bahagya pang nagulat si Markus ng makita s'ya.
"Hindi ka kasi sumasagot sa tawag ko mula pa kagabi, pati mga text ko. Nag aalala lng ako baka kasi.."
Hindi na natuloy ang pagsasalita ni Nessa ng may babaeng lumabas sa kwarto ni Markus na naka tapis din ng towel at mukhang kakatapos lang din mag shower.
"Babe sino 'yan?"
tanong ng babae.
Halos pag sakluban s'ya ng langit at lupa sa kanyang nakita, parang sinasaksak s'ya ng pinong pino sa puso sa kanyang narinig.
"Wala, nagkamali lamang s'ya ng doorbell sige na babe pasok kana sa kwarto, at ituturo ko lang sa babaeng ito ang tamang silid na kanyang pupuntahan," wika ni Markus habang nakatingin sa kanya na pakahulugang h'wag nang mag salita.
Agad namang pumasok sa silid ang babae.
"Nessa umalis kana please, at h'wag na h'wag kanang bumalik dito. Huwag mo na rin akong kakausapin, o etetext at lalo na tawagan man lang. Tapus na tayo kaya umalis kana,"
wika ni Markus sabay sara ng pinto.
Halos magimbal ang pagkatao n'ya sa pagkakataong iyon hindi n'ya namalayan na nakalabas s'ya ng building habang umiiyak dahil sa sakit ng nararamdaman.
Dinala s'ya ng kanyang paa sa isang park pasyalan na may maliit na kubo at doon n'ya binuhos ang kanyang mga luha dahil sa sakit na pinaramdam sa kanya ni Markus.
Halos namamaga na ang mata n'ya dahil pag iyak, pero ayaw pa rin paawat ito. Hindi n'ya pinansin ang mga taong naka tingin sa kanya dahil hindi n'ya mapigilan ang kanyang sarili sa pag iyak.
"Nessa!? O my god anong nangyayari sa iyo? Sabi ko na nga ba ikaw 'yan. anong nangyari?Mabuti na lang at napadaan kami dito," wika ni Lorraine na hindi n'ya namalayan na nakalapit na pala ito sa kanya.
"Lorraine.." Tawag niya dito
sabay yakap niya sa dalaga at lalong siyang napahagulhol ng iyak.
"Iiyak mo lang, sige lang andito lang ako. sige lang." Niyakap naman siya ng mahigpit ni Lorraine.
Nong kumalma na s'ya saka lamang n'ya napag tanto na naroon din pala ang amo n'yang si Austine.
"Ano ba kasing nangyari Nessa?Mabuti na lang at napadaan kami dito para kang batang inagawan ng pagkain dahil sa itsura ng pag iyak mo,"
tanong ni Lorraine sa kanya.
"Si Markus ba ang dahilan Nessa?"
tanong naman ni Austine sa kanya.
Tanging tango tango lang ang sagot n'ya habang pinupunasan ang mata n'ya na napupuno na naman ng luha.
"Tssssk si Markus talaga kahit kaylan.. Maiwan ko na muna kayo dito, at ibibili ko kayo ng makakain." Paalam ni Austine.
"Niluko lang ako ni Markus, akala ko ako lang 'yong babaeng dinadala n'ya sa condo n'ya. Akala ko lang pala. Ang masakit pa pinagtabuyan n'ya ako, at nakipag hiwalay sa'kin dahil may kasama s'yang ibang babae ngayon. Ang sakit sakit rain sobrang sakit." Muli naman umiyak si Nessa.
"Shhhha... Tama na mabuti na 'yang nalaman mo ng maagap. Diba pina alalahanan naman kita na h'wag kang masyadong mag seryoso kay Markus, dahil hindi mo pa s'ya kilala. Hindi ka nakinig sa akin, sana pala sinabi ko rin sa iyo na nong time na nagkakasama kami sa tagaytay ay iba't ibang babae and kasama n'ya, kahit alam kong merong namamagitan sa inyong dalawa." Sabay yakap sa kanya ni Lorraine.
"Yaan muna. Ok na 'yon, kasalanan ko rin naman eh. Nagtiwala ako sa kanya." Isang malakas na bugtong hininga ang pinaka walan ni Nessa sabay ngiti sa kaibigan.
"Kahit pala ibigay mo ang lahat lahat sa kanya. buong buhay mo, buong pagmamahal mo, buong katawan mo. Kung hindi ka mahal wala lahat silbi ito," wika ni Nessa habang may muling tumutulong luha sa kanyang mga mata.
Na siya namang dating ni Austine na may dalang pagkain na nilatag sa maliit na may lamesa na kinaroroonan nila.
"Yaan mo Nessa kakausapin ko si Markus about dito."
Sabat ni Austine.
"Naku! H'wag na po sir. Malinaw na po ang lahat sa akin h'wag na po, baka mag away lang kayong mag kaibigan ng dahil sa akin. Ok na po ako sir, nai-iyak ko na naman po eh. Kaya ayos na, tanggap ko na po. Na hindi talaga kami para sa isat isa,"
wika ni Nessa sa kanyang boss.
Tanging tango tango naman ang naging tugon ni Austine sa kanya.
Habang si Lorraine ay pinapakalma parin s'ya at haplos haplos ang kanyang likuran.
******************
( Steven bar )
"Sira ulo ka talaga bro, anong nangyari kahapon? At iyak nang iyak si Nessa nang makita namin sa park malapit sa Condo mo?" salubong na salita tanong ni Austine kay Markus habang pagpasok ito sa kanilang silid na pinag iinuman.
"Ayon pumunta s'ya sa condo ko ng walang pasabi. Ayon nakita n'ya si Ciara sa condo, eh sakto naman katatapos lang namin mag shower kaya parehas kaming nakatapis lamang ng towel," tugon ni Markus.
" Na aawa ako kay Nessa para s'yang babaeng inagawan ng pagkain nang makita namin. Naku Markus mag seryoso kana nga sa nga babae!" Malakas na tapik ang ginawa ni Austine sa kanya.
"Hoy! Mr. Austine Mendoza, ikaw ang nag sabi sa akin na iwasan, at layuan ko na empleyado mo tapos parang kasalan ko pa." Ngiting ngiti naman si Markus na may pag iling iling.
"Iniwasan mo nga, sinaktan mo na naman. Ipinakita mo pa sa kanya kung gaano ka kawalang hiya,"
sambit muli ni Austine sa kanya.
"Tsssk.. Mabuti na 'yong gan'on. Para hindi na ako mahirapan na iwasan s'ya, maganda na 'yong nangyari na nakita n'ya akong may kasamang ibang babae, para tuluyan na niya akong iwasan. Ayon epektive naman dahil mula kahapon hindi na nagpaparamdam sa akin." Paliwanag ni Markus.
"Ewan ko sa iyo! Paalala lang sa karma bro, hinay hinay lang sa paglalaro ng babae." bahagya ulit tinapik ni Austine si Markus sa balikat.