Isang patak ng luha ang lumabas sa sa mag kabilang mata ni Markus, habang pinagmamasdan nito ang puntod ng kanyang anak. "Naubos na siguro ang luha ko anak, pasensya kana kung ngayon lang ulit ako nakadalaw sa iyo, at pasensya na kung ito na ang huling dalaw ko sa iyo. Pero huwag kang mag tatampo anak, kasi kahit lumayo man ako lagi kang mananatili sa sa puso't isip ko. Aalis na ako anak, pupunta na akong America, doon na ako maninirahan at hindi na ako babalik pa dito. Gabayan mo ako anak sa lahat ng oras, mahal na mahal kita anak, at mis na mis na kita. At sana anak, gabayan mo rin ang iyong ina. Iparamdam mo sa kanya na mahal na mahal ko siya ha. Tanggap ko na anak na hindi kami para sa isa't isa. Pero tulad mo, mananatili si mama sa isip at puso ko, lagi mo kaming gabayan anak, lagi

