"Good morning, " bati ni Markus kay Nessa habang pisil pisil nito ang pisngi niya. "Good morning, kanina ka ba gising? tanong ni Nessa at agad hinagkan ang labi ni Markus. "Sarap naman no'n. Oo, kanina pa ako gising, kanina pa kita pinag mamasdan eh." Ngumiti si Markus sa kanya at sa pagkakataong iyon ito naman ang humalik sa kaniyang labi. "Bangon na. Pag sisilbihan mo pa ako diba? Shower muna ako." Agad namang tumayo si Markus at bago ito pumasok sa loob ng shower room bahagya nitong hinawi ang makapal na kumot at mabilis na hinagkan ang kanyang tiyan. Nagtungo naman ng kusina si Nessa upang ipagluto ang asawa. Kahit may katulong sila ay nanatiling si Nessa ang nag sisilbi kay Markus siya ang nagluluto ng almusal nito araw araw. Maging ang pananghalian nito siya pa rin ang nag aas

