Kina umagahan maagap nagising si Nessa upang mag ayos sa sarili. nakita n'ya ring wala ng Markus sa tabi n'ya, marahil nauna itong nagising sa kanya. Pagkatapos n'yang mag ayos niligpit n'ya ang ilan mga gamit n'ya sa isang maliit na backpack upang madaling bitbitin sa kanyang pag alis. Pagbaba n'ya sa sala tamang tama dahil naroon ang ang buong pamilya kaya napangiti si Nessa dahil ito talaga ang gusto n'yang mangyari. "Nessa, saan ang punta mo at naka bihis ka? May dala kapang bag?" tanong ni Markus sa kanya na naka business suit na, ready na para pumasok sa trabaho "Sa anak ko dadalaw, " seryusong tugon ni Nessa. "Ahm.. Akala ko pagod ka. Kaya hindi kita ginising kanina. Kumain kana muna, kagabi kapa hindi kumakain ei, " saad ni Markus. "Hindi na, salamat na lang busog pa ako,"

