Di mabilang na katok ang narinig ni Nessa, buhat sa pinto ng kanyang silid ang nag pagising sa kanya. Kaya agad agad s'yang bumangon, at upang pagbuksan ang tao sa pinto. "Nessa, yeheeyy, good morning," bati ni Lorraine, at Riza sa kanya na s'ya namang pinag tataka n'ya. "Rain, Riza. Anong ginagawa n'yo dito?" tanong n'ya sa dalawang kaibigan. "Ayyysus... So, kung hindi pa kami tinawagan ni tito ay hindi pa namin malalaman na ikakasal ka na pala ngayon? Oh, ito pinapadala ng biyanan mo suotin mo raw," wika ni Lorraine, at inabot sa kanya ang isang box. Kinuha ni Nessa ang kahon na dala dala ni Lorraine upang dalhin sa loob ng kanyang silid. "Hindi ko naman alam na seryoso pala ang ama ni Markus tungkol sa Pagpapakasal namin ngayon. Eh, kagabi lamang 'yon sinabi sa amin," malun

