DINALA siya ni Rob sa loob ng kwarto. "Stay here, bibilhan kita ng gamot. Sasabihin ko na lang sa kanila na hindi ka makakapasok ngayong araw," sabi nito saka siya iniwan sa kwarto. Bahagyang nag-alala si Ingrid at nakaramdam din ng hiya sa mga kasama niya sa White Devil. Ngiting-ngiti pa rin naman siya na nakahiga sa kama nang iwan siya nito. Nakaramdam na siya ng antok dahil sa magdamag na trabaho saka sa mga pagkanta-kanta at pagsayaw-sayaw niya sa KTV. Umupo na muna siya at nilabanan ang antok. Tuwing mapapapikit ay bigla niyang sasampalin ang sarili. Hindi siya pwedeng makatulog hangga't wala si Rob Matsui. Ngunit hindi niya na kinaya pa ang puyat. Hinila siya ng antok para dalhin sa panaginip. Napabalikwas siya bigla ng bangon matapos ang hindi niya alam kung gaano katagal na or

