KABANATA XXIII

4414 Words

KABANATA XXIII “OH NASAAN na ‘yong pinamalengke mo?” Bulyaw sa akin ng magaling kong ate na stress na stress dahil sa pagdalaw ng pulis dito sa balwarte niya. “Wala ka ngang binigay na pera sa akin. Wala akong madiskartihan sa labas.” Sabi ko’t bigla akong kinatukan ng sobrang lakas—iyong knuckle niya talaga ‘yong tumama sa bunbunan ko na parang tumutubo na kaagad ang bukol sa sobrang lutong, “..aray!” “Tang’na ka! Binigyan ka ni Samuel ng pera kanina ‘di ba? Akala mo ba hindi ko malalaman? Baka naman ikaw ‘tong nadiskartehan sa labas? Kupal ka talagang bakla.” Kamot-kamot ko pa ulo ko habang iniisip ko kung paano niya nalaman o baka hinulaan niya lang? o nakita niya kaming nag-aabutan ni Bayaw? O baka naman merong tsismosang nagtsismis dito sa kapatid kong pinaglihi sa sama ng loob.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD