KABANATA XX “AMING ipinaintindi sa kaniya na kung ipagpapatuloy niya ang panggugulo sa atin, lalo na sa’yo ay sinisigurado naming meron siyang paglalagyan. Pero sadyang maliit lang talaga ang utak ng isang ‘yon, hindi nakakaintindi, hirap umintindi kaya ‘yan ang nangyari sa kaniya.” Pilit na pagpapaintindi rin sa akin ni ate na halos maisuka ko kanina ang lahat ng nakain ko ngayon araw, kahit nga ‘yong t***d na nalunok ko kanina parang naisuka ko na rin dahil nga sa tindi ng tinamo ni Rosana, lalong-lalo na sa kaniyang mukha na parang pinanggigilan—malamang ni ate kanina. Pinatay nila si Rosana, pinatay nila ang asawa ni Tito Barok dahil lang ginugulo sila nito? na magbabayad naman na ako—o pwede ko siyang komprontahin na nalaman ko mula sa asawa niya, kay Tito Barok na wala talaga siyan

