UNEXPECTED MEETING AT THE PAGEANT

2034 Words
CHAPTER NINE Halos isang linggo nang naghihintay si Cara na kontakin siyang muli ni Mr. Randy Moore, simula nung huli siya nitong tawagan at sabihin sa kanya na narito ito sa Pilipinas kasama ang kanyang asawa pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nito kinokontak. Araw araw naghihintay siya ng tawag mula dito o kahit na mula sa kanyang asawa excited na kasi siyang mameet ang kanyang asawa. Syempre kinakabahan pa rin siya. Hindi niya kasi alam kung anong itsura nito at kung ilang taon na ito. Nakakatawa diba nagkaron siya ng instant na legal na asawa pero hindi niya pa man lang nakikita at nakakasama. Pwede pala yong ganun!. Habang yong mga ordinaryong tao. Ang dami pang pagdadaanan at mga requirements na kailangang asikasuhin para lang maikasal. May mga seminars pa na dapat pagdaanan bago makakuha ng marriage certificate. Habang siya isang pirma lang kasal na. After one month nakarehistro na sa PSA ang instant marriage certificate niya. Iba din talaga ang nagagawa ng pera at impluwensya. Kayang kaya nitong tuwirin ang baluktot at paikutin ang batas. Gaya ng sabi ni Mr. Moore ang asawa niya daw ang isa sa pinaka maimpluwensyang tao sa England at isa sa pinakamayaman dito sa Pilipinas. Kaya naman walang imposible dito. Kaya daw nitong ibigay sa kanya kahit anong hilingin niya. Siguro kung materialistic siyang tao, sasamantalahin niya na ang pagkakataong ito para makuha lahat ng gustuhin niya. Pero hindi naman siya ganun, mas gusto niya yong pinaghihirapan niya. Masarap kasi sa pakiramdam na magtagumpay mula sa iyong pinaghirapan. Kaya sasamantalahin nalang muna niya ang pagkakataon para makatapos ng pag-aaral at makamit ang kanyang mga pangarap para sa kanya at sa kanyang ina. At pag isa na rin siyang matagumpay na tao, babayaran niya at ibabalik sa asawa niya ang lahat ng naging tulong nito sa kanya. " Nak may problema kaba? parang ang lalim ng iniisip mo ah! " sita sa kanya ng kanyang ina habang nagbibake ng mga order ditong cookies. " Ha? ano pong sabi nyu mom? " tila nahimasmasan niyang tanong sa ina. " Anak magsabi ka nga sa akin ng totoo. Sino ba itong Randy Moore na ito na tumutulong sa atin? bakit niya tayo tinutulungan? anak boyfriend mo ba siya? " sunod sunod na tanong ng mom niya sa kanya. " Mom! hindi ko po siya boyfriend! diba sabi ko po sa inyo na isa siyang mayamang pulantropo nakilala ko sa pagbabanda ko. Naikwento ko yong kwento ng buhay ko sa kanya, kaya naawa siya sa akin at nagmagandang loob na tulungan ako. " pagsisinungaling niya sa ina. Baka kasi mabigla ang nanay niya pag sinabi niya dito ang totoo. Baka bigla nalang ulit ito atakehin. Bago pa man umuwi ang mommy niya sa Villa ay nabriefing na niya ang dalawa nilang maids na hindi pwedeng sabihin sa mama niya na may asawa na siya. " Anak wala ka ba talagang inililihim sa akin? " patuloy na pag-uusisa nito na halatang hindi naniniwala sa kanya. " Mom wala po! siyanga pala mom bukas na po ang pageant namin sa school. " masaya at excited niyang wika sa ina para mailihis na ito sa kanyang pag-uusisa. " Talaga nak! " excited na bulalas naman nito. " Yes mom! kinakabahan po ako mommy! " wika niya sa ina. " Natural lang na kabahan ka anak. Pero kung magpapatalo ka sa kaba mo, hindi ka mananalo. Sayang naman yang ganda, talino at talento na namana mo sa akin! " masayang pagbibiro sa kanya ng kanyang ina. " Sigurado ka talaga mom na sayo ko talaga namana ang lahat ng yan! " pang-aasar naman niya dito. " Aba! syempre naman Cara at kanino pa ba! eh kita mo naman ang ebidensya oh. Beauty and brain yata itong mommy mo. " wika ng mommy niya na nagpose pa at rampa. " Oh sige na nga mom! payag na! sayo na ako nagmana! baka mamaya magtambling at mag split kapa jan eh! " nagtatawang wika niya sa ina. " Nak naman eh! " reklamo naman ng mommy niya. " Nak may naisip ako. Nak magpractice ka ngayon. Gusto kong makita kung paano mo irarampa ang mga suot mo bukas. " nagnining ang mga matang wika ng mommy niya na sinang ayunan naman niya. Kinuha niya ang mga damit niya na irarampa bukas mula sa kanyang school uniform, casual wear, sports wear, swim suit at long gown. Dinala niya ito sa living room at doon binulatlat. Binili pa nila ito ng mommy niya sa Divisoria kahapon. Nakipagsiksikan pa sila ng mommy niya sa Divisoria Mall kahapon at nakipagtawaran sa mga tindira dun. Nakagawian na nila ng mommy niya na doon mamili dahil napakamura ng mga bilihin dun. Yun nga lang kailangan mong makipagsiksikan sa dami ng tao. Kahit na nakakaluwag na sila ngayon dahil sa suporta ng di pa niya nakikilalang asawa ay nanatiling simple ang uri ng pamumuhay ni Cara. Kahit ang ibinayad sa kanya ni Mr. Moore na limang milyon ay hindi pa rin niya nagagalaw. itinime deposit niya yun sa bangko. Unang inirampa ni Cara ang long gown sa harap ng kanyang ina. " You look so gorgeous anak! " humahangang komento nito sa kanya. " Pero nak lagyan mo naman ng konting hinhin at pilantik ang pag imbay ng yong balakang. Nak hindi ka rakistang bandista ngayon. Beauty queen ang peg mo ngayon nak! so act as one. " komento at payo sa kanya ng ina na tinawanan niya lang. " Dami mo talagang alam mom!. Pano ba yang hinhin at pilantik ng balakang na sinasabi mo mom? sample nga dyan! " natatawang pang-aasar niya sa ina. " Ganto anak oh! look at me. " demo nito sa kanya na nagsimula ng rumampa. And her mother really did it well. " Wow! galing naman talaga ng mom ko oh! pang beauty queen talaga ang rampahan. " patuloy na pang-asar niya sa ina na may kasamang paghanga. Nsgkakasayahan at nagkaka-asaran silang mag-ina ng bigla silang abalahin ng isa sa kanilang maids na si Rheina " Wow ang ganda mo naman po mam Cara para kang isang totoong beauty queen." humahangang bulalas nito sa kanya. " Siyanga po pala Mam Cara delivery daw po for you! " abot nito sa kanya sa isang kahon na may nakasulat na notes sa card na nakakabit dito. Biglang lumakas ang t***k ng puso niya ng mabasa ang nilalaman ng notes sa tarheta. From your husband, Please wear these clothes on your pageant day. Iwant to see you wear this. I'll be watching over you. Agad na itinago ni Cara ang card bago pa ito mabasa ng kanyang mama. " Nak kanino galing yan? " naguusisang tanong ng kanyang mommy. " Kay Mr. Moore mom. " pagsisinungaling na sagot naman niya sa ina. Agad lumapit sa kanya ang kanyang mommy at isa isang inusisa ang laman ng kahon. Nanlalaki ang mata at nagagalak sa tuwa na isa isang tsinek ng mommy niya ang brand at halaga ng bawat damit. " Wow! nak ang bongga naman ni Mr. Moore. Lahat ng damit na gusto niya ipasuot sayo sa pageant mamahalin. Nakakahilo ang presyuhan nak at ang mga brand bongang bongga kasing bongga ng beauty mo nak. " nakingiting wika ng kanyang mommy habang iwinawagayway sa kanya ang mga damit. " Kaya nga mom parang nakakahiya isuot. Si Mr. Moore talaga nag-abala pa! Pano na itong pinamili natin mom? Sayang naman kung di natin magagamit. " parang batang reklamo ni Cara sa ina. " Nak hayaan mo na. Ipost nalang natin ng for sale sa internet yang mga binili natin sa Divisoria para di masayang. Nakikihiya naman kay Mr. Moore kung di mo isusuot itong mga binili niya para sayo. Magagalit un! " suggestion nang kanyang ina. Isa-isang ipinasukat at ipinarampa sa kanya ng kanyang ina ang mga damit at lahat sila namangha dahil saktong sakto lang sa kanya ang lapat at sukat ngga damit. " Wow ang galing naman ni Mr. Moore nak. Alam na alam ang sukat mo! ito ba talagang Mr. Moore na ito Cara ay talagang sponsor mo lang? " nagdududang tanong sa kanya ng ina. " Ay naku mom kulit mo po talaga! sponsor ko nga lang po si Mr. Moore. Thats the truth and nothing but the truth. Swear to God! wala kaming relasyon ni Mr. Moore. " sumpa niya sa ina. Dahil wala silang pasok sa eskwela ng araw na yun, pagkatapos nila magpraktis ng mommy niya ay hindi na siya hinayaan pa ng mom niya na tumulong sa mga gawain. Pinagbeauty rest na siya nito. Kinabukasan ay hindi pumayag ang mommy niya na hindi ito kasama sa pagpasok niya sa school para mapanood siya sa kanilang gaganaping school pageant. Pati ang kanilang dalawang maids ay nakiusap kay Cara kung pwede daw silang sumama dahil gusto din daw nilang mapanood ang kanyang pagrampa. Hindi din naman niya nahindian ang mga ito kaya pumayag na dn xa. Nang makapasok na sila ng stadium ng university kung saan gaganapin ang pageant ay hinayaan niya munang makapwesto ang kanyang mama at dalawang maids sa kanilang nakalaang upuan. Lahat kasi ng kasali sa pageant ay may nakalaang tatlong upuan sa unahan para sa nais nilang isama sa loob para silay makapanood. Hindi naman inaasahan ni Cara na dadalo sa competition ang buong family ng kanyang ama. Kasama nito ang asawa nito at ang bunso nitong anak na lalaki. At para namang sinasadya na magkatabi pa sa upuan ang kanyang mommy at daddy. Pinakiramdaman ni Cara ang mommy niya. Naramdaman niya ang pagkatense nito ng magkatitigan silang dalawa. Agad nagbawi ng tingin ang mama niya habang kita naman niya ang pagtaas ng kilay at pagsimangot ng kanyang madrasta. Dahil naman sa nararamdaman pa ring sama ng loob ni Cara para sa ama ay hindi niya ito pinansin na tila hindi niya ito kilala at nakita. " Mom I'll go ahead na. Ate Rheina, ate Magda kayo na po bahala kay mommy ha. " bilin niya sa dalawang katulong. "Yes Mam Cara! dont worry kami ng bahala sa mommy mo. Good luck sayo Mam Cara. Go for the win. " sabay na wika ng dalawa. Hindi naman maiwasan ni Arthuro na sumama ang loob sa lantarang hindi pagpansin sa kanya ng anak. Lalo tuloy siyang nakaramdam ng inis at galit sa dating asawa na katabi niya ngayon. Na hindi rin siya pinapansin. Dumerecho na si Cara sa back stage kung saan abala na ang lahat ng kalahok sa pageant para sa paghahanda sa kanilang gaganaping opening production number. Tinulungan siya ng kanyang kaklase na si Audrey o Adrian. Adrian is a gay and Audrey is her female name. Tinulungan siya nitong maisuot ang kanyang damit para sa production number at mabilisan siya nitong namake upan at naayusan. " Girl why so pretty ha! for sure kakabugin ng beauty mo lahat ng department. Naku lalong manggigil sayo sa inis ang step sister mong si Geraldine. For sure all eyes nanaman sayo si Mark. Kaya ihanda mo na yang face mo girl baka masampal ka nanaman ni Geraldine sa sobrang selos! " humahanga at nang-aasar na wika nito sa kanya. Sigawan ang mga manonood sa loob ng stadium ng lumabas na sila at mag-umpisa sa kanilang dance production number. Nangibabaw ang ganda at galing ni Cara. Syempre hindi lang siya sa singing magaling pati sa dancing para anupat naging performer siya sa bar. Pagkatapos ng kanilang production ay isa isang ipinakilala ng emcee ang mga magiging hurado nila at ganun nalang pagkagulat ni Cara ng ipakilala si Mr. Randy Moore bilang judge for the pageant and to her surprise na labis niyang ikinawindang ng ipakilala ang isa pa sa mga hurado walng iba kundi si Alexander Baldimore na kanyang nakaulayaw ng isang gabi. Nanlalaki ang mga matang napatitig siya dito ng tumayo ito at kumaway sa kanila at sa mga manonood. Biglang lumakas ang t***k ng puso niya. Pano ba niya makakalimutan ang gwapong mukha ng lalaking yon na magdamag niyang nakaulayaw. My God! bakit siya nandito! bakit siya pa ang naging judge ng pageant na ito. Okay lang si Mr Moore pero ang lalaking yun. Oh My gosh! bakit siya pa! bakit kailangan pa nilang muling magkita. Tili ng isip niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD