Pagdating sa laro, ayaw na ayaw ko talagang matalo. I hate losing. Kaya sa tuwing sumasabak ako sa laban, equipped ako. Nakahanda lahat ng kailangan ko maging ang hero ko, pero hindi ganito ang buhay. Malayo sa reyalidad ang online games na pinagpupuyatan ko. Kaya naman ngayon, kailangan kong sumugal nang wala sa plano.
“GRRRAAAA!”
Automatiko akong napayuko nang marinig ko ang halimaw banda sa likuran ko. Mabuti na lang ay nakalabas na ako sa pinto nang makalapit siya sa pinagtataguan naming bahay.
Mariin akong napalunok nang marinig ko ang yabag ng kanyang mga paa na papalapit sa direksyon ko. Pero bago pa man siya makalapit sa puwesto ko ay agad din akong kumaripas ng takbo papunta sa bahay namin.
“GRRRAAAAAAAAAAA!”
Nanginig ang mga tuhod ko nang marinig ko ang kanyang malakas na sigaw mula sa aking likuran. Pero hindi ako tumigil sa aking pagtakbo, hindi p’wede. Dahil alam kong sa oras na tumigil ako, katapusan ko na.
Agad akong tumalon sa sirang pader patungo sa kama na hinigaan nila Faith kanina. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at mabilis na hinanap ang espada sa tulong ng liwanag na nagmumula sa buwan.
Napatalon sa tuwa ang puso ko nang biglang may kuminang sa ilalim ng kama na tila ba ay tinatawag ako nito. The sword. Maagap ko ‘tong pinulot. Pero hindi ko pa man naiaangat ang aking ulo, naramdaman ko nang nasa harapan ko na si Kamatayan.
“Graaaa . . .” impit na ungol ng halimaw habang nakatapat ang bunganga nito sa aking ulo. s**t.
Mapakla akong napangisi at mas hinigpitan pa ang aking pagkakahawak sa pilak na espada.
“Tang ‘na,” sambit ko saka tinitigan ng diretso ang halimaw na nasa aking harapan.
Ang pula nitong mga mata ay mariing nakatingin sa aking mukha habang nakabuka ang nakakatakot nitong bunganga. Nakakatiyak akong kasya ang ulo ko sa bibig ng lintik na ‘to. Hindi na nga siguro ako mabibigyan pa ng pagkakataon na magpasalamat kapag nilamon na ako ng lokong ‘to. But I won’t let that happen. Hinding-hindi ako makakapayag.
“Pasensya na, pero gusto ko pang mabuhay.” Napangisi ako sa halimaw saka walang pagbabadyang tinusok ang kaliwa niyang mata. Umalingawngaw sa buong kagubatan ang kanyang pagdaing na siyang nagbigay sa akin ng pagkakataon na makatakbo paalis.
Hinihingal akong napatigil malapit sa bahay na pinagtataguan ng mga kapatid ko. Hawak ang aking espada, matalim kong nilingon ang halimaw na patuloy pa rin na sumisigaw dahil sa natamong sugat na galing sa ‘kin.
“Crap, hindi nga ako nagkamali,” bulong ko sa sarili.
Hindi lang pala makapal sa paningin ang balat ng halimaw kung ‘di makapal nga talaga ito. Kung hindi ko naisipan na tusukin ito sa mata, siguradong patay na ako ngayon. Wala akong magiging dibersiyon kung hindi naging epektibo ang atake ko.
Balak ko sana itong tusukin sa puso dahil gano’n naman ang pinakamadaling paraan para talunin ang ‘sang kalaban base sa nababasa at napapanood ko. Pero mabuti na lang talaga ay hindi ko ito itinuloy.
Nang tumama sa mata ng halimaw ang blade ng espada ko kanina, napansin kong ang mukha lang nito ang hindi protektado. Ang buong katawan ng halimaw ay tila nababalot sa isang matibay na kalasag na hindi kaya ng sandata ko. Ano na ang gagawin ko ngayon? I badly want to kill him.
Hindi ba kayang patayin ng isang tao ang halimaw na ‘to? Kaya ba nagmamadaling umuwi sila Drogo kanina dahil alam nila ang tungkol dito? Ito na nga ang kinakatakutan nilang Grosque.
“GRRRRAAAAAAAA!” Napaigtad ako sa aking kinatatayuan nang bigla na lang akong lingunin ng halimaw.
Nawalan na ako ng pag-asa nang mapagtanto kong hindi tatagos ang espada ko sa katawan nito. Pero mas lalo lang akong nanghina nang makita ng mismong dalawang mata ko ang paggaling ng sugat nito sa mata. What the f**k.
Kaya niyang gamutin ang sarili niya in a short period of time? Lintik! Hindi naman yata patas ang laban na ‘to!
Dahan-dahan akong napaatras nang maglakad papalapit sa akin ang halimaw. Tuluyan ko nang nabitawan ang hawak kong espada nang mapagtanto kong wala akong kalaban-laban sa kanya. Hindi ko na alam ang gagawin ko. I’ll die. Mamatay na ako ngayon! f**k!
“Caster . . .”
Automatiko akong napalingon nang may marinig akong tinig mula sa aking likuran. What was that? Sigurado akong may tumawag sa ‘kin. Crap. This is not the time for jokes.
Muli akong napalingon sa halimaw. Ilang hakbang na lang ay makakalapit na ito sa ‘kin. Siguro alam nito na wala na akong magagawa against sa kanya kaya binabagalan niya ang kanyang pagkilos. Walang hiya, pinaglalaruan niya ako. Nararamdaman niyang nasa dead end na ako!
“Caster, makinig ka sa ‘kin . . .”
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko muli ang boses ng lalaki. Sa pagkakataong ito ay nakilala ko na ang boses na tumatawag sa ‘kin. Ako . . . Kaboses ko ang naririnig kong tumatawag sa ‘kin ngayon. Akmang lilingunin ko na kung sino ito nang agad din akong pinigilan ng tinig.
“Kahit anong hanap mo pa sa ‘kin, hindi mo ako makikita. Hindi pa sa ngayon. Makinig ka, Caster. Sa mga oras na ito ay kaligtasan n’yo ang karapatang mauna sa lahat.”
Napatango na lang ako habang nakatingin sa halimaw na naglalakad papalapit sa direksyon ko. Nararamdaman siguro ng may-ari ng boses na kating-kati na akong magtanong kung sino siya. Tama ang kanyang sinabi, kailangan muna naming makaligtas ngayon. Pero may ‘sang tanong lang akong gustong masagot . . .
“Ikaw ba si—”
“Oo, ako si Austere. Sasabihin ko sa ‘yo ang ibang detalye tungkol sa ‘kin kapag nakaligtas na tayo rito.” Crap, nababasa niya ba ang isip ko?
“S-Sige. Ano’ng gagawin ko?” tanong ko sa kanya.
“Huwag mo nang hintayin na makalapit sa ‘yo ang halimaw, atakihin mo na siya.”
“No f*****g way! Boang ka ba! Mamamatay ako ng wala sa oras dahil sa ‘yo!” bulyaw ko sa kanya. Narinig ko siyang tumawa dahilan para mapasimangot ako.
“Mukhang alam mo nang hindi tatagos ang espada mo sa katawan ng Grosque,” wika niya sa ‘kin.
“Oo, napansin ko kanina,” tugon ko. Malapit na sa ‘kin ang halimaw, pero nasa lapag pa rin ang espada ko. Matutulungan ba talaga ako ng lalaking ‘to?
Hindi. Dapat magtiwala rin ako sa kanya tulad nila Faith. He knows what to do. Sa mga oras na ito ay wala akong choice kung ‘di ang sumunod. I have to fight.
“Ganito ang gawin mo. Buong puwersa mong tamaan ang likod ng leeg niya gamit ang espada.” Napakunot ang aking noo nang marinig ko ang sinabi ni Austere.
“Paano ka nakakasiguro na hindi mapuputol ang espada kung sa likod ng leeg niya ito tatama?”
Gusto kong makasiguro dahil maaaring ito na ang katapusan ko. Nakadepende sa lalaking ito ang buhay ko ngayon. Alam kong malaki ang tiwala ni Faith kay Kuya Austere. Pero nakita ko nang malapitan ang halimaw kaya hindi ko maiwasang magduda. Ayaw kong masayang ang atake ko.
“Maniwala ka sa ‘kin, nando’n ang puso niya.” Ilang beses akong napakurap nang marinig ko ang kanyang paliwanag. I-Impossible.
“Marami ka pang makakaharap na Grosque, Caster. Kaya ito ang tandaan mo: Kung nasaan ang puso nila, doon ang atake mo. Believe me, alam ko ‘to.” Natigilan ako nang marinig kong nagsalita ng English si Austere. Magtatanong pa sana ako nang mapansin kong nakalapit na sa akin ang halimaw. Lintik!
Automatikong gumalaw ang katawan ko para pulutin ang aking espada. Hindi na ako nag-atubili pang ilagan ang matalim nitong mga kuko na nais nang tapusin ang aking buhay. Nang mailigtas ko ang aking sarili, hindi na ako nagdalawang-isip pang tumakbo papunta sa likuran ng Grosque at buong puwersang ibinaon ang aking espada sa kanyang leeg.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong tumagos nga ito dahilan para maputol ang leeg ng halimaw.
Nang bumagsak ang aking mga paa sa lupa, gulat akong napatingin sa nakahandusay na katawan na nasa harapan ko. Ilang beses akong napakurap saka napatingin sa kulay itim na dugo sa aking espada. I-I did it. We did it!
“Austere, nagawa ko!” Masigla akong napahiyaw sabay taas ng aking sandata sa ere. Agad na nabura ang ngiti sa aking labi nang wala akong matanggap na tugon mula sa taong dahilan ng aking pagkapanalo.
“Austere?” tawag ko ulit pero wala pa rin akong natanggap na sagot. What just happened?
“Austere, bro, totoo nga ang sinabi mo,” wika ko pero isang malakas na ihip ng hangin lamang ang sumalubong sa ‘kin.
Muli akong napatingin sa walang buhay na katawan ng halimaw na tinapos ko. Ito ang kauna-unahang Grosque na napatay ko sa tulong ni Austere. Napabuntonghininga lamang ako.
“I know that you can hear me. Kailangan nating mag-usap, kailangan kong maliwanagan sa katotohanan, Austere. Kailangan kong malaman kung ano ang dahilan nang pagpunta ko rito sa mundo mo at kung ba’t nandito ako sa katawan mo. I need answers.” Tahimik akong naghintay sa kanyang magiging tugon, pero wala akong natanggap.
Ilang sandali pa ay bigla na lang bumukas ang pinto sa bahay na pinagtataguan nila Faith. Takot na takot silang sumilip at nagpalinga-linga sa paligid bago tumakbo papalapit sa ‘kin.
“Tek—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla na lang nila akong yakapin. Their bodies are trembling.
“Kuya, akala ko iiwan mo na kami!” mangiyak-ngiyak na wika ni Faith habang nakabaon ang mukha sa dibdib ko. Si Arima naman ay mahigpit na napayakap sa beywang ko.
Gosh, hindi ko rin talaga inaasahan na mabubuhay pa ako. Gusto kong sasabihin sa kanila na tinulungan ako ni Austere. Pero alam kong hindi nila ako paniniwalan dahil ako nga si Austere.
“Huwag mo kaming iiwan, Kuya,” wika ni Arima sa mahinang tinig. Napangiti ako saka marahan na tinapik ang kanyang likod.
“We are safe—este ligtas na tayo ngayon. Mukhang kailangan na nating humanap ng bagong mapagtataguan,” suhestiyon ko. Kumalas sila sa pagkakayakap sa ‘kin saka marahan na tumango.
“O, siya. Doon na muna tayo magpahinga sa bahay na pinagtaguan natin kanina. Bukas na bukas din ay gagawa tayo ng bago nating mapagtataguan.”
Napangiti sa ‘kin si Faith saka nauna nang naglakad pabalik sa bahay. Nakasunod naman sa kanya si Arima na humihikab pa habang kinukusot ang kaliwang mata.
Akmang ihahakbang ko na ang aking paa para sumunod sa kanila nang bigla na lang lumabo ang aking paningin. Mariin akong napapikit sabay kusot sa aking mga mata at nang imulat ko ito ay umiikot na ang aking paligid. Bigla akong nahilo, nasusuka ako. Naningkit ang mga mata ko nang may makita akong bulto ng tao sa harapan ko. Bahagya kong naaninag ang kanyang mukha. He’s smiling at me.
“Austere . . .” sambit ko sabay abot sa kanya kahit na naghihina na ako.
Pinilit kong huwag magpadala sa aking dinaramdam pero bumigay din ang aking mga tuhod. Bumagsak ako katabi ng bangkay ng Grosque hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.
“Caster . . .”
“Caster, hindi ligtas ang Gama. Hindi ligtas ang Argon. Dalhin mo sina Faith at Arima sa Great Wall. Nasa likod nito ang kalayaan na tinatamasa ng lahat. Habang-buhay akong magpapasalamat sa ‘yong pagdating. Darating din ang araw na masasagot ko ang iyong mga katanungan. Nawa ay mahintay mo ang araw na ito. Kung iniisip mo mang mas malakas ako sa ‘yo ay nagkakamali ka. Huwag na huwag mong ikukumpara ang katapangan at galing mo sa isang duwag na katulad ko. You deserve to live.”
Napabalikwas ako ng bangon pagkatapos kong marinig ang tinig ni Austere. Agad naman akong napatakip sa aking mata nang tumama sa aking mukha ang sinag ng araw na nagmumula sa nakabukas na bintana. Umaga na pala.
Napatingin ako sa kama na aking hinihigaan sunod sa benda na nasa aking braso’t tagiliran. Paglingon ko sa aking kanan ay bumungad sa akin ang payapang mukha ni Arima. Nakabaluktot ang kanyang katawan habang mahimbing na natutulog sa tabi ko.
Napangiti ako saka marahan na hinaplos ang kanyang buhok nang mapagtanto kong nawawala si Faith. Agad akong napatayo at dali-daling napatakbo patungo sa pinto. Nang buksan ko ‘to, nakahinga ako nang maluwag nang bumungad sa akin ang mukha na hinahanap ko.
“O, Kuya? Ayos ka na ba? Magpahinga ka pa. Kailangan mong alagaan ang sarili mo,” wika niya at tuluyan nang pumasok sa pinto. Sinundan ko siya ng tingin papunta sa kusina bago ako nagsalita.
“Ayos na ako. Saan ka galing?” usisa ko.
“Sa Nayon ng Gui. Wala tayong agahan, kaya namalengke ako,” nakangiti niyang sabi.
“W-Wala bang umatake sa ‘yo?” nag-aalala kong tanong. Faith smiled at me. May inilabas siyang maliit na kutsilyo sa bulsa ng kanyang dress sabay lapag nito sa mesa.
“Wala. May sandata ako. At saka hindi naman lumalabas ang mga Grosque sa umaga kaya wala po kayong dapat na ipag-alala, Kuya. Ikaw pa nga ang nagsabi sa ‘min niyan, ‘di ba?” Napaiwas ako ng tingin bago siya tinanguan. Hindi lang naman mga Grosque ang nakakatakot, mga tao rin.
“Um, hindi ko lang maiwasan na mag-alala,” wika ko. Napangiti si Faith sa ‘kin.
“Kuya, susubukan kong tulungan ka hanggang sa makakaya ko. Ayaw ko nang maulit muli ang nangyari kagabi. Takot na takot kami ni Arima. Akala talaga namin ay hindi ka na namin makikita. Kaya nangako kaming gagawin namin ang lahat para sa ‘yo.” Malamlam ang mga niya habang nakatingin ang mga ito sa ‘kin.
Kung nalaman nila na sukong-suko na ako kagabi, baka ano na ang nagawa nila. Mabuti na lang talaga ay biglang nagparamdam si Austere. He saved me. Right! Si Austere, may sinasabi siya sa ‘kin! Kailangan naming umalis dito!
“Faith . . .” Napalingon si Kate―este si Faith sa ‘kin saka binitawan ang hawak niyang repolyo.
“Bakit, Kuya? May masakit ba sa katawan mo?” nag-aalala niyang tanong. Napailing ako.
“Pagkatapos nating mag-agahan, aalis na tayo rito.”
Matagal siyang napatitig sa ‘kin hanggang sa napatango na lang siya. Mariin niya akong tinitigan saka ako matamis na nginitian.
“Kahit saan, Kuya. Sasama kami sa ‘yo.”