“Sa Cerda ka nakatira?” tanong ni Grae kay Marida. Naglalakad na kami ngayon pabalik sa nayon. Kasabay namin siya ngayon dahil doon din ang tungo niya. Malamang taga-Cerda nga siya, ‘di ba? Tatlong araw na raw siyang nagmamasid sa Nayon ng mga Patay at ngayon lang daw siya uuwi. She sure is something. “Um, nasa burol ng Cerda ang bahay ko,” walang emosyon nitong tugon. “Kung gano’n, alam mo ang dahilan kung ba’t nagkagano’n ang Cerda? Ano ang nangyari?” usisa ni Grae. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila dito sa gilid habang tinitingnan ang compass na hawak ko. Ito ang sinusunod namin para hindi kami maligaw ng landas. “May dumating na mga bandido. Galing sila sa Kanluran at nilusob nila ang nayon ng Cerda,” kuwento ni Marida. Napansin ko ang pagkuyom ng kanyang kam

