Chapter 3. Pipit

1618 Words
"Good morning sir! Mukhang masaya ang araw mo ngayon, a? May nangyari ba na hindi ko alam? Dahil ba kay Miss. Attorney Williams?" Bungad na bati ni Alix na matalik na kaibigan ni Victorino Napahinto ito sa paglalakad at pagsipol. "Hmm...Nagkamali ka ng pangalan na sinabi. Hindi sa babaeng tigre na 'yon ang dahilan ng aking pagkakangiti. Iba Alix at hindi lang basta maganda, sobrang ganda talaga ng araw ko ngayon. Gusto mo bang malaman? Hulaan mo muna ang dahilan ng maganda kong umaga. Napakamot naman ng ulo si Alix dahil sa tinuran ni Victorino. "Si sir naman. Alam mo naman na mahina ako pagdating sa ganyang bagay na hulaan. Sabihin mo nalang sa akin kung bakit ka masaya ngayon? Napailing na lang ito ng ulo. Inakbayan ito ni Alix. Ganito kasi 'yan. Dumating ang fiance ko kagabi galing U.S alam mona nagkaroon ng mahabang bakbakan. Mabuti na lang matibay pa itong tuhod ko kaya nakapasok pa ako ngayon." Masaya kwento ni Victorino. "Nakakainggit ka naman sir. Kaya pala masaya ka ngayon kasi nakipagdigmaan ka kagabi sa fiance mo. Ako kaya kelan susugod ng bakbakan sa kama? Malapit ng magbara itong tubo ko. Wala manlang babaeng magkamali sa akin, magkasing gwapo din naman tayo pero napag-iiwanan na ako. "Huwag kang mag alala, at lalong h'wag kang mainip, darating din ang araw na makikipag digmaan ka din sa kama. Malay mo nandyan lang sa tabi tabi. Saglit itong napatigil at napatingin sa babaeng makakasalubong nila ni Alix. "At malay natin, ito na s'ya. Nagkukusa ng lumapit saiyo, Alix." Pagpapatuloy ni Victorino. "Ha, sir! Sino namang babae 'yan?" "Ito, malapit na s'ya sa atin. Tingnan mo na lang, gago! Sinundan nga ni Alix kung saan ito nakatingin. Napakamot naman ito ng batok ng mapagsino ang babae na tinutukoy ni Victorino. "Si sir talaga, mahilig magbiro. Ayaw ko pang mamatay mahal ko pa ang sarili ko. Kung si Miss. Attorney Williams lang ang babaeng mamahalin ko. Para konang sinuko kay kamatayan ang buhay ko. Baka, hahalikan ko pa lang ang kamay n'yaneh may blackeye na agad ko sa dalawang kong mata." Natawa ito sa sinabi ni Alix. Totoo nga naman, para ka ng naghukay ng sarili mong libingan kapag itong si Miss. Attorney—Human Rights ang magiging asawa mo. Magkukusa ka na lang ilibing ang sarili mo kaysa mabugahan ka ng nag-aalab na apoy galing sa bibig nito. "Huwag kang maingay, hinaan mo lang ang boses mo. May sa hayop pa naman ang tainga n'yan. Bukod sa malakas ang pang amoy, malakas din ang pangrinig. Tiyak kong sa kangkungan tayong dalawa pupulutin... Ngumiti ka, malapit na s'ya sa atin." Halos hindi maibuka ni Victorino ang bibig sa pagsasalita, habang nakangiti na nakatingin kay Miss. Attorney na kay aga aga ay salubong na agad ang makakapal na kilay. Upang hindi sila mahalata na pinag-uusapan s'ya ni Alix. Ngumiti nga ang gago niyang kaibigan. "Pinag-uusapan n'yo ba ako?" Agad nitong tanong sa kanila ng makalapit ito.. Hindi nga s'ya nagkamali, malakas talaga makiramdam ang babaeng ito. "Iba ang ngiti mo, Mr. Mondragon. Alam ko ang klase ng ngiti na ganyan. Ngiti ng isang adik at manyakis kaya umayos ka kung ayaw mong sumabog itong pulis station na ito!" Masungit na sabi nito. Laglag ang balikat ni Victorino. "Malakas din pala ang hangin mo Atty. At hindi lang hangin, malakas din talaga ang pang amoy mo. May lahi ka bang aso? Siniko niya si Alix na may balak sanang tumawa. "Hindi ako nagyayabang at wala sa lahi namin ang lahing aso. At nababadtrip lang talaga ako sa pagmumukha mo. "Ano ba ang atin? Bakit nandito ka na naman?" Pag-iiba na lang niya sa usapan baka kung saan nanaman mapadpad. Napabuntong hininga ito ng malalim, bago ito masungit na naman nagsalita. "Dito ba natin pag-uusapan ang tungkol sa kliyente ko? Gusto mo bang marinig ng taong mga nandito para mabulilyaso ang lahat ng paghihirap kong pag-iimbistiga? Pasensya na, pero wala lang akong tiwala sa ibang mga kabaro mo. May naamoy kasi ako dito na kakaiba sa tuwing pumupunta ako dito. Napataas naman ng kilay si Victorino. Mukhang mahihirapan siyang makasundo ang isang Atty. "Ipagpaumanhin mo po binibining Attorney. Dahil sa ganda mo, ako ay nakalimot. Halika kasa loob ng opisina ko at doon natin pag-usapan ang tungkol kay Chona Villamar. Umirap naman ito ng mata na kaysarap lang talagang dukatin at ipakain sa pusa. Nauna na s'yang humakbang. Sininyasan ako naman siya ni Alix na magtitimpla ng kape sa pantry. Tumango ito ng ulo, at tumingin kay Atty. Sabay haya ng kamay. Lumingon ito sa kanya at nagtataka kung bakit nasa ere ang kamao niya. "Anong ginagawa mo, Mister Mondragon Jr? Gusto mo ba akong saktan? Hindi mo ba gusto na pumupunta ako dito, para pag-usapan ang tungkol kay Chona Villamar? Pwede naman akong umalis kung ayaw mo talaga akong makita? Iba din talaga mag-isip ang babaeng ito. Ang dami agad nasabi. Nagbibiro lang naman s'ya. "May lamok kasi na lumilipad baka dapuan at sipsipin ang dugo mo at madingue ka pa. Ang prisento ko pa ang sisihin mo kaya balak ko sanang patayin." Palusot niya "Nahuli mo?" "Hindi nga eh, lumipad agad, naramdaman siguro na papatayin ko s'ya. "Palusot mo, Jesus Christ Mister Mondragon Jr. Buko na kita kaya tumigil kana sa pag aalibay mo. Papunta ka pa lang pabalik na ako. Napabulong na lang s'ya ng. "Diyos mio marimar. "Maupo kana, anong gusto mong maiinum? Pineapple juice o orange juice?" Tanong niya ng nasa loob na sila ng opisina. Inunahan na niyanbaka makarinig na naman s'ya ng reklamo sa babae na kisyo wala syang balak na paupuin s'ya at alukin manlang ng maiinum. "Hindi na, huwag ka ng mag abala pa, sumakit ang tiyan ko sa tinimpla mo sa akin nakaraan na pumunta ako dito. Tubig poso yata ginamit mo o kaya ay expired na ang juice mo? Hindi nga s'ya nagkamali. Nagkaroon pa yata s'ya ng kasalanan. Kumunot ang noo niya, "Totoo ba ang sinasabi mo? Malinis ang tubig na binibili namin, kaya imposible yang sinasabi mo na paiinumin kita na galing sa tubig poso. "Mukha ba akong nagsisinungaling? H'wag mo ng isipin ang sinabi ko, magalint na ako." Masungit nitong sabi. Hindi na niya ito pinatulan pa sa pagtataray at baka mapikon pa s'ya. Iniba nalang niya ang usapan. Pinag-usapan nila ang tungkol sa kaso na gustong ihain ni Chona Villamar laban kay Alkalde Raymart Collins. Habang nasa kalagitnaan na sila ng pag-uusap, biglang bumukas ang pinto ng kanyang opisina at niluwa nito ang kanyang fiance na halatang nagulat sa nakita. "Ehem!" Tikhim nito. "May bisita ka pala? Ang kulit ha, kulang nalang isubsob mo sa s**o ng babaeng yan ang mukha mo! At tuwang-tuwa naman ng isa d'yan!" Masungit na sabi ng fiance ni Victorino. Mabilis ang paglingon ni Attorney sa pinto at tinaasan nito ang fiance ni Victorino. "Naku! Patay, nalintikan na. Sabong ito, saan kaya ako pupusta, sa fiance ko o kay Miss. Attorney?" Naibulong na lang niya. "Excuse me, —Hoy! Ako ba ang pinaparinggan mo? Ito lang ang sabihin ko saiyo ha. Ni sa hinagap hindi ko pinangarap na magkagusto ako sa isang pulis officer na patola na ubod ng ubod ng ubod ng yabang, —at hambog, bastos, pilosopong kausap, at ito pa ha, badbreath! Iww ang baho ng hininga na amoy imburnal." Mataray na sagot ni Atty. sa kanyang fiance at may pag demo pa itong nalalaman na nandidiri sa kanya. Kay sarap lang nitong sakalin. Sa dinami daming araw na pagpunta pa n'ya dito, bakit ngayong araw pa na bibisitahin siya ng fiancee niya. Kailan kaya magpapatalo ang bubuwit na ito. Ang sakit sa tainga ng matinis niyang boses. Humarap ito sa kanya na nakapamaywang at nakataas pa ang dalawang kilay. "Hoy, Mr Badbreath, pagsaihan mo itong mukhang tikling mong syota kung ayaw n'yang isilid ko s'ya sa sako at itapon sa Mt. Pinatubo at gawing kong pataba!" Napatampal na lang s'ya sa kanyang noo. Talagang pinanindigan nito ang pagtawag sa kanya ng Mr. Badbreath. Nahawakan agad niya ang fiance dahil balak nitong sugurin si Attorney. "Hon, huwag mo ng patulan ang pipit na yan, please! Hindi ka d'yan mananalo. Maraming baon yan na katwiran, sako sako pa." Awat niya sa kanyang fiance para hindi na humaba pa. "What did you say? Pipit, i don't understand hon? Agad naman niyang tinakpan ng kanyang palad ang bibig nito. "Shhh, hon! Baliw ang babaeng yan. H'wag mo ng patulan. Nakakahiya sa mga ka trabaho ko na pumapatol ang fiance ko sa isang baliw. "Hoy, anong binubulong bulong mo d'yan sa fiance mo na mukhang tikling, ha? Umayos ka baka idamay kita sa pagtapon sa Mt. Pinatubo! Naipikit niya ng mariin ang kanyang mga mata. Kanina pa talaga s'ya ginagalit ng pipit na ito. Kung wala lang ang fiance niya dito baka naihulog na niya ito sa bintana. Inuubos talaga ng pipit na ito ang pasensya niya. "Kapag hindi kapa tumigil sa pagyayawyaw mo at kakatawag sa fiance ko ng mukhang tikling- Tumigil mona siya sa pagsasalita at tumingin s'ya sa kanyang fiance at ngumiti bago muling humarap sa pipit na ito at pinagpatuloy niya ang pagsasalita. "Pupuntahan kita sainyo at gagahasain kita!" Bulong na sabi niya. Nanlaki ang mga mata nito. "Bastos! Babalik ako dito, hindi pa tayo tapos!" Gigil din nitong pagbabanta sa kanya. Naiiling na s'ya ng kanyang ulo. "Ang tapang talaga niyang babae, bagay talaga sa kanya ang maging isang Human Rights Attorney, walang inuurungan. Padabog nitong sinara ang pinto. Pero bago pa ito makalabas ng pintuan, kitang kita niya ang pag-alog ng matambok nitong pwetan. Naipilig nito ang kanyang ulo, at nakangiti ng humarap sa fiance niya. "Sino ang babaeng baliw na 'yon, hon? "Ah, naligaw lang dito para manggulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD