CHAPTER 31 CLOVETT SALMIGAN POV: "Wow! Ang ganda naman ng bride natin ahh," agad kaming napa sulyap sa pintuan na dumungaw si mommy na bihis na bihis na sa kanyang one sided beaded na wedding dress. "Hello po… " sabay-sabay namin na bati Kay mommy. Pumasok siya sa loob para tingnan ang mga ayos ko. Nasa guest room naman ang mga kaibigan ko para mag-ayos. "Mommy! Mas maganda po kayo!" "Really? Thank you my dear, ipangyayabang ko talaga yang sinabi mo na papuri sa akin. Hmmm…Ano na? Maayos ba ang lahat? Wala bang nakalimutan like make-up, brush etc. o nabutas na gown?" tanong ni mommy sa aking make-up artist na nandoon. Tatlo kasi ang nag-aayos sa akin na nakilala ko na rin. Si manang Nona sa buhok ko nag-aayos. Si ate Delia sa make-up at si manang Anna naman ay sa mga gown at iba pa

