CHAPTER 50 CARLOS JASPER JR POV: Pinasok muna ng asawa ko sa loob ng kwarto para itago sa banyo ang mga haircut tools sa paggupit ng mga buhok naming dalawa. Naming dalawa... My little miss, ang mahal ko na handang dumamay sa akin. Na parating nasa tabi ko para umaalalay, ang mahal ko na kayang gawin para hindi lang ako maiwang mag-isa sa laban, lalo na dito sa sakit ko. I didn't expect na gagawin niya ito. Hindi ko inaasahan na pati paggupit ng buhok ay gagawin niya. My little miss is so brave and pretty. Hindi ako nagkamali na planuhin na mapa sa akin siya. Kasi talagang sa akin siya ibinigay at itinadhana. Salamat ama. Ngayon, pareho na kaming semi-kalbo. Pero halos kinalbo ang buhok ko dahil sa marami ng natatanggal na buhok. Nagpakalbo ang asawa ko dahil sa pagmamahal niya sa

