CHAPTER 48 CLOVETT SALMIGAN JASPER POV Sa araw ng pang limang kasal namin ni Carlos ay imbis sa Singapore ang punta namin para sa honeymoon ay sa hospital ang bagsak naming mag-asawa ganun na rin ang mga kaibigan namin. Dahil bigla na lang siyang nanghina at kamuntikan ng bumagsak sa lupa pagkatapos ng kasal, pagkalabas mismo ng simbahan, mabuti na lang agad siyang nahawakan ni Zyro at Vincent. Kinasal ulit kami kasama ang kanyang mga barkada o tinatawag na kasalan ng bayan pero ang ginawa namin ito daw kasalan ng mga magkakaibigan na kung saan lahat sila na mga barkada na may mga asawa na ay papakasalan nila ang mga asawa nila every year, idea ito ng asawa ko na papakasalan niya ako taon-taon at ng malaman ng kanyang mga kaibigan kaya ginaya na rin nila ito. Rason naman ng mga kuri

