CHAPTER 41 CLOVETT SALMIGAN JASPER POV: "Ayan kumain pa kayo ng marami, may natira pa sa kusina." saad ni manang Thelma sa amin. Kasama ko sina Marga at Juliet sa bahay ni manang Thelma na isang taon na nandito sa Manila dahil siya ang nagbabantay ng kanyang apo. Si Marga, dito na rin nakatira sa Tondo Manila dahil tagarito ang naging asawa niya, si Juliet naman ay nagbakasyon lang at uuwi sila sa Negros pagkatapos kong manganak, next month ay ang kabuwanan ko na at saka na sila babalik ng kanyang nobyo dito sa Maynila kapag binyag na ng baby namin ng asawa ko. Kaya ngayong araw ay napag pasyahan namin na dalawin si manang Thelma dito sa Bulacan. Kasama ko naman si manang Nina to para umaalalay sa akin. Mahigpit pa naman na bilin ng asawa ko na bantayan ako ng maigi bahala na ang

