CHAPTER 33 CLOVETT SALMIGAN POV: "Nasa isang sasakyan na ba ang ibang dumalo?" Tanong ng asawa ko sa mga naka assign na drivers na maghahatid sa amin sa reception na kung saan sa dalampasigan kami magcelebrate. "Yes sir, nauna na po yung iba at magcoconvoy na lang po kami." sagot naman ni kuya driver. "Congratulations ulit!" "Salamat!" ani ko kay Shemaia na kasama ngayon ni Devi habang malapad ang ngiti sa mga labi. "Mauna na kami, kitakits na lang sa reception Clovett, sasama na kami ng mga babaita ko sa isang van." Tukoy niya kina Cathy, Gail, Sophia at Mercy na kaklase niya pala dati. Si Mica naman at asawa niya ay nauna na kasama ang mga bandang Elizcalde sa isang van. Mas nagulat ako na may kaibigan din pala sila na half Pinoy at half na taga ibang bansa at dito na naninirahan

