Chapter Eight
Lian Blythe Solitario
Mag-isa akong nakaupo sa bench. Pinagmasdan ko ang mga studyanteng dumadaan. Nakangiti sila at ang iba ay nagararant sa mga teachers namin.
Tiningnan ko ang wrist watch, isang minuto pa bago magsisimula ang klase. Bumuntong hininga ako bago tumayo.
Dinama ko ang sariwang hangin habang lumalakad. ‘Ni hindi ko man lang nakita si Gray... hindi man lang siya tumawag.’
Sa gitna ng paglalakad may mga studyanteng tumitimgin sa akin. Mapait akong ngumiti, kinuha ko ang maliit na salamin sa bag. ‘Siguro dahil sa kalagayan ko kaya naging malamig ang pakikitungo ni Gray.’
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa huminto ang mga paa ko sa harap ng music room. Mapait akong ngumiti. “Pangarap ko ang maging singer. Kaso nga lang nag- aalala ako sa kalagayan ko.
Hinay- hinay kong pinihit ang pinto. Tumambad sa ’kin ang iba’t ibang instruminto. Pero ang nagpukaw sa paningin ko ay ang malaking piano. May ngiti sa labi akong lumapit doon. Hinimas ko ang piano. ‘Ang ganda niya.’
Tumikhim ako bago umupo, inilagay ko ang cellphone sa ibabaw nito. Pinikit ko ang mata, at nagsimulang tumugtog.
?Say something I’m giving up on you. I’ll be the one if you want me to. Anywhere would’ve followed you.?
Binalot ang buong music room ng boses ko, pumikit ako. At habang kumakanta. Nagflash sa utak ko ang mga alaala namin ni Gray. Noong masaya pa kami at hindi siya cold. Noong mga araw na lagi siyang nag-iiwan ng text pero, ngayon wala. Hindi rin niya nakakalimutang tumawag sa ’kin noon.
?Say something I'm giving up on you. And I... am feeling so small, it was over my head. I know nothing at all. And I... will stumble and fall. I'm still learning to love. Just starting to crawl.?
?Say something I’m giving up on you. I'm sorry that I couldn't get to you. Anywhere I would’ve followed you. Say something I'm giving up on you.?
Hindi ko namalayang pumatak ang luha ko, dinilat ko ang mata. Nakita ko nalang ang sariling lumuluha.
?And I... will swallow my pride. You're the one that I love and I'm saying goodbye. Say something I'm giving up on you. And I'm sorry that I couldn't get to you. ?
?And anywhere I would’ve followed you. Say something I'm giving up on you. Say something I'm giving up on you. Say something.?
Pinahid ko ang mga luha ng matapos ang pagkanta. Masyado yataakomg emosyonal. Tipid akong ngumiti. ‘Wag kang mag-isip ng kung ano-ano self.’
“Bravo! Miss Lian.” Nanlaki ang mata ko nang may biglaang nagsalita mula sa likod. “Ang galing!” aniya at pumalakpak. Nakangiti itonglumapit sa akin.
“M-miss Villa, kanina pa po kayo?” Nautal ako. Sino ba namamg hindi? Siya ang head my music club. Pumasok lang ako rito ng walang paalam. Pero, parang hindi naman siya galit.
“You have a good voice, hindi na namin kailangang maghanap ng female lead. Nandito ka na!” Masiglang wika niya. Malapad ang ngiti nito. Umiling ako at kinamot ang batok. ”Kasi po, miss ang kalagayan ko po kasi ang inaalala ko.” Tumaas ang kilay niya.
“No problem with that, may gamot ka namang tinatake at singing is your hobby or dream right?” Tumango ako, kumanta lang ako alam na niya.
“So, palalagpasin mo ba ang chance na 'to? Sa club festival maraming guest from respective talent company's. Agree ka na ba? And isa pa additional point din 'to sa grade mo.” Napaisip ako. Kung tutuusin ang daming benefits.
“Pag-iisipan ko po.” Tumango siya. “Just go to my office kung may decision ka na,” aniya.
*****
Na sa loob ako ng classroom, kukunti lang ang mga studyante dahil busy sila sa upcoming club festival. Nakatuon ang paningin ko sa notebook. Nirereview ko ang mga lessons kanina.
“Bes!” Boses ni Vicia ang narinig ko, kaya nag-angat ako ng tingin. “Anong nangyari sa buhok mo?” Naglaho ang ngiti sa labi niya. Umupo ito sa tabi ko. “May nangyari na naman ba bes? Okay ka lang ba?” Tipid akong ngumiti at dalawang beses na tumango.
“Sure ka ba bes? Okay lang namang i-share mo sa 'kin ang problema mo.”
“Ganito naman talaga ang buhay ko. Kahit hindi ko gustong gawin nagagawa ko.” Tinapik niya ako sa balikat bago ngumiti ng malapad. “Sus, 'wag ka na ngang malungkot. Kahit ano naman itsura mo ang ganda mo pa rin. At isa pa, bes! Same na tayong may short hair!” Ngumiti ang labi ko.
Ang proposal pala ni Miss Villa. Inilagay ko sa bag ang notebook bago siya hinarap. “Bes, si Miss Villa may proposal sa 'kin,” wika ko.
“'Yong head ng music club? Anong sabi?”
Nilibot ko muna ang paningin, lumapit ako ng kaunti sa kanya at pabulong na sinabing, “In-offer niya sa akin na maging female lead nila Gray.”
“Hala bes, tinanggap mo?”
“Hindi pa,” wika ko. Hinilamos niya ang kamay sa mukha. “Tanggapin mo na, naku! Bes, opportunity mo na 'yon!” Tumango ako, at hinay-hinay na gumuhit ang ngiti sa labi.
“Oo, tatanggapin ko na. Pupuntahan ko muna si Miss Villa.” Nagpaalam ako sa kanya bago umalis ng room.
Kumakabog ang puso ko sa kaba, ‘Kaya mo to self.’ Pagtinanggap ko magpeperform ako sa maraming tao. Which is hindi ako sanay.
Rian Blythe Solitario
“Okay! Very good, 1 minute break muna guys,” wika ni Maam Vilaflor. The head of dance club. Kinuha ko ang towel sa bag at pinunas sa mukha ko. ‘Ang lagkit ko na nakakainis!’
Mula sa kinauupuan ko, nakatitig sila Noreen. Sarap tusukin ng mga mata nila. Tsk. Mga pabida. “Girls, may meeting kami mamaya, so, Rian you will be the lead, okay?” Tumango ako at ngumisi sa kanila ni Noreen. Umirap sila sa 'kin. They're pathetic, hindi pa yata niya matanggap na ako na ang leader.
Kinuha ko ang water bottle sa bag at bumaling sa cellphone ko. “Wala pa ring text, how come? Tsk. Siguro busy siya.” Uminom ako ng tubig.
“Hey, Rian.” Tumingala ako sa nagsalita. Si Noreen at ang mga kabarkada niya. Nakataas ang mga kilay nila sa akin. Ngumisi ako bago tumayo. “Yes, Noreen anong kailangan niyo?” wika ko.
“Tsk, naghihintay ka ng text right? Poor Rian, pinaghihintay ka na niya?” Tumawa sila, ano naman ngayon kong hindi pa siya nagrereply? Nagsmirk ako at tiningnan si Noreen mula ulo hanggang paa.
“Naghihintay nga ako ng reply, e, ikaw ba may katext ka ba? Poor Noreen.” Inikot ko ang mata bago sila nilagpasan. Narinig ko ang mga bulong nila. Nakakaawa lang sila, sobrang kulang sa aruga.
May confidence akong pumunta sa gitna at hinuli ang mga atensyon ng lahat. “Guys, get ready magsisimula na tayo.” Nagsitayuan sila. Ngumisi ako at bumaling sa kanila ni Noreen. “Ano pang hinihintay ninyo?” Tinuro ko ang malaking space sa harapan. “Pumunta na kayo sa mga linya ninyo.” Umirap si Noreen bago sinunod ang sinabi ko.
They don’t have choice, I am the leader. In a movie I am the main character, extra lang sila.
Lian Blythe Solitario
“You made the correct choice Miss Lian, I’m sure you’ll never regret it!” ani Miss Villa. Tipid lamang akong ngumiti habang nakasunod sa kanya. Napaka professional ng tindig niya. Bawat studyante na nadadaanan namin ay bumabati sa kanya.
“We’re finally here.” Huminto kami sa tapat ng music room. Bumaling siya sa ’kin bago binuksan ang pinto. Tumambad sa amin si Nigel may hawak na sticky note at si Jeff na nakaheadphone at si Gray na tahimik lang sa gilid.
“Boys,” ani Miss Villa kaya nabalik sa ulirat ang tatlo. Nagsitayuan sila at humarap kay Miss Villa. “Lian?” Nakataas ang kilay ni Gray, nagtakang bumaling ang dalawa kay Miss Villa.
“Kilala niyo siya? That’s good.” Tiningnan niya ako. “Lian will be the female lead.” Ngumiti ng todo si Nigel at bahagyang siniko si Gray. “Ayieee girlfriend mo magiging female lead.” Napatakip sa bibig si Miss Villa, nang-asar si Jeff pero umiwas lang ng tingin si gray.
“Boyfriend mo pala si Gray?” aniya, tipid akong tumango. “For sure, this will be the most remarkable performance in history!” wika niya.
*Ring
Tumunog ang cellphone ni Miss Villa. “Wait me here, sasagutin ko lang.” Umalis na siya.
Sumulyap ako kay Gray. “Pst,” sutsut ko ngunit hindi siya lumingon. “Sh*t bro! May pa hiya ka pa sa girlfriend mo!” Mahinang tinulak ni Klen si Gray.
“Teka, nagpagupit ka Lian?” tanong ni Nigel. Lumunok ako ng laway at umiwas ng tingin. “Oo,” sagot ko. Bumaling ako kay Gray.
“Bagay pa rin naman tayo, you look like Rian,” dagdag niya. Mapang- asar siyang siniko ni Jeff. “Ang corny mo bro! Inlove ka na talaga kay Rian, atsaka may pa sticky note ka pa.” Inagaw ni Jeff ang sticky note sa kamay ni Nigel. Mahina akong tumawa.
Hinawakan ni Nigel ang kamay ko at inilagay ang sticky note sa mga palad ko. “Lian, ang ganda ng hairstyle mo ngayon. Paki sabi naman kay Rian na---”
“Can you please shut up!?” Tumaas ang kilay ko at tiningnan si Gray. “Ehem bro, nagseselos si Gray! Patay ka Nigel! Sinabihan mo kasing maganda si Lian at hinawakan mo pa kamay!” Kumunot ang noo ko.
“Si Rian ang gusto niya ats---”
“Tsk!” Kunot noo niya akong tiningnan at lumabas sa room. “Hey! Bro!” Pahabol ng dalawa. Ayaw ba niya akong maging parte ng banda nila? Para 'yon lang nagseselos na siya? Nagseselos ba talaga siya? Huminga ako ng malalim at walang pasabing tumakbo pasunod kay Gray.
“Patay ka talaga Nigel,” rinig kong kumento ni Jeff. “Hoy! Pabebeng Gray! I’m inlove with Rian not with Lian!” sigaw ni Nigel. pero nagpatuloy ako sa paghabol kay Gray.
‘Gusto kong linawin ang lahat, gusto kong malaman kung bakit nagkakaganito siya.’
*******
featured song: A Great Big World, Christina Aguilera- Say Something