Chapter Six
★HUG★
“Ano bang problema mong baliw ka?!”
Umalingawngaw sa buong kwarto ang tinig ko. Tumalbog ang puso ko sa gulat; hindi ko inakalang masasabi ko 'yon.
“Rian!” sigaw ni mama. Napalingon silang lahat sa'kin. Ito ang unang pagkakataong nasigawan ko ng ganito si Lian.
“S-sorry, nabigla lang ako” binigay ko kay Gray ang natitira pang gamot. At naglakad papalabas sa kwarto.
Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad ng narinig ko si Lian. “B-beh? Ikaw ba yan?” Napahinto ako.
“Oo, anak siya si Gray ang boyfriend mo” paliwanag ni mama.
Napalingon ako sa kanila. “B-Beh huhuhu away ako ” Bigla siyang yumakap kay Gray. Pinigil ko ang mga luha. Kahit hindi ko sabihin nagseselos ako. Mas lalo pa akong napako sa kinatatayuan dahil sa sunod na ginawa ni Gray; Niyakap niya pabalik si Lian.
Tsk! Akala siguro niya umalis na ako. Dahil nakatalikod siya sakin. Dahil sa inis sinadya kong tabigin ang vase sa gilid, kaya mapako sa'kin ang atensyon ng lahat.
“Sorry, hindi ko sinasadya” Yumuko lang ako sakanila mama. Naramdaman ko naman ang pagbuntong hininga ni papa.
“May problema ba Rian?”
Nagtatakang si mama.
“wala, lilinisin ko nalang po 'to” Akmang aalis na ako at kukunin Ang dust pan at walis. Nang may magsalita.
“Ako na ang maglilinis” si Gray
Lumapit siya sakin at nagsalita.
“Ako na ang maglilinis, ” umiwas ako ng tingin bago nagsalita.
“Tsk! no need, jan ka nalang sa girlfriend mo”
Aalis na sana ako ngunit sumunod siya. Lumingon naman ako at inirapan siya.
Nakasunod parin siya hanggang sa makababa na kami sa hagdan.
“ito gusto mo pala maglinis! Ayan sige nagpapalakas kalang kay Lian! Kaya Ito na!” irap ko, at binigay Ang dust pan at walis.
Malayo na ang kwarto ni Lian dito Kaya Hindi na nila naririnig ang Saad ko. May pa yakap pa sila! Ano Yun parang sa mga movie lang.
“tsk! Alis punta kana dun. Magpalakas na magpalakas kapa sakanya”
Nag snob pa ako sa kanya.
“love, Alam kong nagseselos---”
“Sinong nagseselos? Ako? Dream on! Tsk, Kung gusto mong itigil na natin to sinabihan na kita diba. Kaya umalis kana Samahan muna siya.”
Ang sarap manuntok ngayon.
“Love Naman eh, makikipaghiwalay na Sana ako sa kanya. Tumawag ako pero si tita Ang sumagot. At pinapunta ako dito”
Hindi ako pakapagsalita dahil sa sinabi niya. Umalis na siya, Kaya naiwan akong tulala. Sa Hindi inaasahan bigla nalang napawi Ang lahat ng inis ko.
Nagtungo ako sa kwarto. Dahil sa sinabi niya, Alam kong ako Ang Mahal niya. Hindi ko na namalayang makatulog napala ako.
*DREAM*
“hoy inaaway niyo ba ang kambal ko!”
Umiiyak lang ako ng umiyak. Habang si Lian ay matapang na pinagtatanggol ako.
Tumakbo paalis ang mga umaway sakin.
Napangiting lumingon sakin so Lian. At niyakap ako.“Wala nang mang aaway sayo sis”
Nagiba Ang paligid, sa ngayon nanditi na kami sa isang hospital. Nakalithaya so Lian. Sampung taong gilang na kami. At nalaman naming may mental problem pala si Lian. Ngayon Lang sinabi nila mama. Sabi mg doctor. Kailangan daw siyang mabantayan ng maigi.
Simula sa araw na iyon. Tuluyan na siyang nilayuan ng mga tao. Masakit man sabihin. Maskin ako ay napapalayo na ang loob sa kanya.
“Lian baliw, Lian baliw! Hahhahah”
Napayuko lang na naglalakad si Lian sa hallway. Kumirot Ang puso ko mg makita kung paano siya tuksuin. At wala man Lang akong nagawa.
“Sis! ” lumapit siya sakin. Pero Wala lang akong reaction.
Umalis ako at hindi siya pinansin. Ayaw Kong madamay. Takot akong ibully Rin ako. Kaya mas pinili Kong manahimik.
Dahil sa naranasang pambubully nakapagdesisyon si Lian na SA ibang bansa mag aral. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya. Hindi ko man lang matugunan ang pagligtas niya nun sakin. Nung mga araw na ako Ang binubully.
Napaluha ako ng makita Ang letter ni Lian. Na iniwan niya sa table ko. Binasa ko Naman Ito.
Dear kambal;
Hindi na ako nakapagpaalam sayo. Naiintindihan Kita Kung bakit hindi mo ako pinapansin sa school. Alam kong kinahihiya mo ako. Pero mahal padin Kita. Ikaw kaya ang kambal ko s***h kaibigan. Nakakalungkot Lang isipin na nangyari satin to. Pero wag kang mag alala. Hindi no na kailangang magtago at umiwas dahil umalis na ako. Sana sa susunod nating pagkikita maayos na natin to. Mahal na Mahal kita
beloved sister;
Lian
*Cringgggg*
Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock. Naalala ko ang nangyari. Ang haha ng tulog ko .
Sumakit bigla ang ulo ko. Nanaginip ako kanina.
Kinuha ko ang letter sa drawer ko. Mapait akong napangiti mg maalala ang lahat. Hindi ko akalaing magagawa ko Yun Kay Lian. Matapos niya akong tulungan noon. Pinasawalang bahala ko lang ang nangyari. Hinayaan ko lang apihin siya.
“Ma, nahihirapan na ako. Ayaw Kong madamay. Kaya ma gusto Kung lumipat mg school. ”
Napaluha ako ng maalala ang sinabi ko nun. Ang sama ko Lang, Ang sama kong kapatid. Duwag ako Kaya nagawa ko lahat mg Yun.
*Tok*Tok*
Agad kong pinahid ang mga luha ko. At binalik Ang letter sa drawer ng narinig ang kumatok.
Pagbukas ko sa pinto. Nakangiting tumambad sakin si Lian. May dala siyang tray ng pagkain.
“Hindi mo naman kailan gawin to. Wala tayo sa hospital” Saad ko. Umupo lang siya sa Kama at nilapag ang tray.
“Sa hospital lang ba pwedeng gawin ang ganito? At tsaka gusto ko lang mag sorry.”
Mapakla siyang ngumiti. Huminga muna siya mg malalim bago nagsalita.
“Sorry sa nagawa ko. Sorry Hindi ko ma-control Ang sarili ko. Nagiging pabigat na ako sainyo.”
May namumuo nang luha mga mata niya.
“Hindi mo naman sinasadya. Kaya okay lang” ngumiti siya dahil sa sinabi ko.
“Salamat sa pag intindi”
“Walang anuman. Ganyan Naman talaga ang pamilya. Iniintindi Ang isat isa. ” ngumiti siya at napayakap sakin. Kaya napayakap na din ako sa kanya.
“Best sister ever” Saad niya habang kayakap ako.
Maghapon akong makatulog. At masaya ako dahil naiintindihan ako ni Lian. At nagkaayos na kami. Pero kalahati sa kalooban ko kalungkutan ang nararamdaman.
Bumaba na ako, nadatnan ko sa baba si Vicia. Naka school uniform pa siya. Napangiti nalang ako. Gusto Kong magkaroon mg kaibigang Gaya niya.
“Bes okay ka lang ba?” napasulyap ako sa kanilang dalawa. Nandito ako ngayon sa kusina.
“Oo naman” sagot ni Lian.
Pero hindi kumbinsido si Vicia sa naging sagot ni Lian.
“Yung buhok mo? Pinutol mo. Okay ka Lang ba talaga?” bakas Ang pag aalala sa tono mg noses no Vicia.
“Oo Naman sana'y na akong maging ganito. Yung tipong magagawa mo Ang isang bagay. Kahit hindi ko Naman gusto.”
Tugon ni Lian.
Bumuntong hininga ako at naghanda ng makakain. Mas lalo tuloy akong nanliit sa sarili ko. Parang Ang duwag ko talaga. Kung iisipin si Vicia ang naging kaibigan ni Lian nung magtransfer siya. Tas nung bumalik siya dito sa Pilipinas. Bumalik din si Vicia. At nag transfer sa school na pinapasukan ko. Masaya akong nakilala siya ni Vicia. Masaya akong nakilala niya si Vicia.
***
Aston Gray Sandoval
P.O.V
Hindi ko na alam Ang gagawin ko. Dapat nakipaghiwalay na ako Kay Lian. Pero hindi natulog.
*Flashback*
Tinawagan ko si Lian. Makikipag hiwalay- na ako sa kanya. Kahit na sa tawag lang. Ayaw ko na ring patagalin pa.
Sinagot niya naman ang cellphone.
[ hello, iho pumunta ka dito ]
Boses ng mama niya ang sumagot. Kaya hindi ko nasabi Ang mga dapat sabihin kom
Pinutol ko ang tawag at natulala. Hindi ko alam kung ano ang gagawin.
*End*
Dapat makapag isip na ako mg idadahilan kay Lian. Pwede ding dahil pagod na ako? Uunahin ko career ko? Magfufucos ako sa pagbabanda? O sasabihin ko Ang totoong dahilan. Pero Alam Kung masasaktan siya. At Kung masasaktan siya. Masasaktan din si Rian