KINABUKASAN ay maaga akong nagising. Nakauwi narin lala si ate Maui pero gabi na ito nakauwi. Pagbangon ko ay agad akong nagtungo sa kusina para maghilamos at magtooth-brush.
"Nicole magkape kana riyan." Wika ni tita Marta na kapapasok lang ng kusina.
"Sige po tita salamat po, hindi po kasi ako nagka-kape."
"...ahhh Nicole pakibantay muna ang tindahan at ipapastol ko muna ang kambing sa bukid."
"Sige po tita." Sagot ko rito.
Maraming alagang kambing ang tita Marta. Ang tindahan at pag-aalaga ng kambing ang pinag-kakaabalahan nito. Pagkatapos Kong maghilamos ay lumabas na ako upang mag-walis sa bakuran ni tita Marta. Kinuha ko narin ang walis ting-ting at dust Pan sa likod bahay. Pagkakuha ko ay sa harap muna ng tindahan ni tita Marta ang aking nilinisan. Habang abala ako sa pag-wawalis ay hindi ko namamalayan na gising narin si ate Maui.
"Owh Nicole ang aga mo ata? Nag-kape kanaba? At nasaan si tita Marta?" Sunod-sunod na tanong nito.
"Gising kana pala ate Maui, hindi po ako nagka-kape eh. Ewan ko po ba parang namamahay po ata ako, at si tita Marta nagpastol ng kambing sa bukid." Mahabang wika ko rito.
Dalawa lang ang kuwarto ng bahay ni tita Marta. Kaya sa tuwing magbabakaayon ako rito ay laging ai ate Maui ang katabi Kong matulog.
Hindi nagtagal ay may lalaking papunta rito sa tindahan ni tita Marta. Siya na naman ang lalaking bumibili Kahapon. Habang papalapit ito sa tindahan ay nakangiti ito sa Akin pero ipinagsawalang bahala ko lamang ito ng bigla itong magsakita.
"Goodmorning Ms Sungit." Pilyong wika nito pero inirapan ko lamang ito.
"Hoy Sam! Bibili kaba o aasarin mo lang 'yang si Nicole!" Pagtataray ni ate Maui dahil hindi na nakagalaw itong pilyong lalaking ito sa kinalalagyan niya.
"Mag-pinsan nga kayo ang sungit! At Nicole pala pangalan mo huh! Owh siya ate Maui pabiling sigarilyo isa heto ang bayad." Sabay abot nito ang bayad pero ako hindi ko parin ito pinapansin. Bago Pa man ako umalos ay inirapan ko muna ito na siyang dahilan ng pag-tawa nito.
"Iloveyou Ms Sungit." Pilyong wika ulit nito. Kaya agad akong napatakbo sa likod ng bahay.
"Hoy ikaw Sam! Tigil-tigilan mo 'yang pinsan ko! Umuwi kana nga nakakairita ka!" Rinig Kong sigaw ni ate Maui sa lalaki.
Tinatapos ko narin ang pag-wawalis dito sa bakuran nila tita Marta. At pagkatapos ay nagtungo ako sa terrace ng bahay ni tita Marta na tabi lamang ng tindahan nito. Naroon din si ate Maui at nagkakape.
Si ate Maui ay 4year's ang ganda nito sakin. Si kuya Mori ay 2years din ang tanda nito. Nilapitan ko si ate Maui na abala sa pagdutdot sa cellphone nito. Pagkapasok ko sa terrace ay umupo ako sa tapat ni ate Maui sa may bakanteng upuan.
"Ate Maui sino ba 'yong Sam n iyon parang ngayon ko lamang ito nakita?" Pag-usisa ko rito.
"Oyyyyy.... Type mo noh?" Pilyang wika ni ate Maui.
"Ano kaba ate baka biglang dumating si tita Marta marinig ka non."
"Hayaan mo 'Yang si tita paano tumandang dalaga." Pagkasabi niyon ay sabay kaming tumawa. "Kapatid 'yan 'nong asawa ng pinsan nila tita Marta si tiya Susan. Balita ko nakapetisyon 'yan papuntang America. Pero 'wag kang maiinlove 'don huh bata kapa." Mahabang wika ni ate Maui. Tumango nalamang ako bilang sagot.
Maya-maya Pa ay dumating sa si tita Marta.
"Owh gising kana pala Maui. Sino 'yong naghatid sayo kagabi?" Usisa ni tita Marta.
"Ahhhh.... Si Joan po tita kaklase ko." Sabay kindat sa Akin ni ate Maui. Nako ang ate Maui mukhang may kalokohan.
"Owh siya! Sige diyan na muna kayo at maliligo na ako dahil mamalengke ako ng paninda dito sa tindahan. Baka magabihan narin ako." Wika nito at umalis na sa harapan namin. Pagkaalis ni tita ay agad akong umalos sa kinauupuan ko at lumapit ako Kay ate Maui.
"Ate sino ba ang naghatid sayo?"
"Wag kang maingay huh! Si Robert 'yon nanliligaw. Pero soon mamamasyal din dito para maging official ang panliligaw niya." Mahabang wika nito.
Hindi rin nagtagal ay umalis narin si tita. Kami ngayon ni ate Maui ang bantay ng tindahan nito. Wala rin gaanong bumibilo dahil nasa bukid ang ibang tao rito.
Andito rin kami ni ate Maui sa may terrace. Si ate Maui gumagawa ng homework niya ako naman ay nagbabasa ng pocketbook. Nasa ganon kaming Gawain ng hindi namin namamalayan na nay tao sa may harap ng tindahan.
"Hay naku! Asan ba ang nagtitinda rito." Maktol ng bibili. Tumayo naman ako agad para sabihin kay ate Maui na ako nalamang ang magtitinda.
"Ate Maui ako nalang." Wika ko at agad nagpunta sa tindahan.
"Ano po 'yon?"
"Owhh Nicole! Ikaw pala, tama nga si Sam andito ka. Oy may pinapasabi 'yong damuho." Wika nito.
"Ano ba bibilhin mo kuya? Hayan ka na naman kuya Dom eh! Inaasar mo nanaman ako." Reklamo ko rito.
Si kuya Dom ay pinsan nila inay pero kuya na ang aming nakagawiang tawag rito.
"Bigyan mo nalang ako riyan ng toyo at mantika mag-aadobo raw ang inang ko. Pakisabi kay ate Marta ilista nalang." Wika nito kaya minabuti Kong tawagin nalamang si ate Maui dahil hindi ko rin alam ang listahan ni tita Marta.
"Ate Maui! Halika muna rito pinapalista ni kuya Dom ang pinamili niya." Sigaw ko kay ate Maui at agad naman itong nagpunta sa loob ng tindahan.
----
KINAHAPUNAN ay wala parin si tita Marta kaya minabuti narin ni ate Maui na ito na ang mag-luluto ng aming hapunan at ako naman ang magbabantay ng tindahan.
Maya-maya ay dumating narin ang tita Marta andami nitong pinamili kaya agad akong tumakbo sa may kalsada upang tulungan ito sa pagbitbit ng kaniyang pinamili.
"Akin na po ang iba tita." Pagkasabi ko niyon ay inabot narin saakin ni tita ang ibang pinamili kaya agad ko naman itong dinala sa may terrace ng bahay. Pagkababa ko ng aking binitbit ay siya rin na pagdating ni tita sa may terrace kaya tinanong ku muna ito kung mayroon pa itong hindi nakukuha.
"Mayroon Pa dalawang plastic nalang 'yon. Pasuyo naman ako iha." Wika ni tita at agad naman akong nagpunta sa may kalsada.
Pagkarating ko ay dadamputin ko na sana ito ng biglang may kamay na umagaw nito saakin. Pagtingin ko ay si Sam nanaman.
"Ako na." Ngiting wika nito saakin. Kaya hinayaan ko nalamang at naglakad na ako paalis sa harap niya. Pagdating ko sa may terrace ay agad naman nitong binigay kaya tita Marta.
"Salamat Sam." Pagkasabi niyon ni tita Marta ay agad naman itong nagpaalam na aalis.
"Walang ano man po tita Marta. Sige po aalis na po ako." Tumango nalamang biglang sagot ni tita marta. Bago ito umalis ay tumingin ito saakin sakto rin na tumingin ako sakaniya. Kaya ikinagulat ko nanaman ang ginawang pagkindat nito. Kaya inirapan ko ulit ito na siyang ikinatawa nanamn nito.
Ewan ko ba sa pang-aasar nito ay nag-iiba ang pakiramdam ko. 'Nong una ay balewala lang sakin pero hindi ko alam pero nag-iba ang ihip ng hangin. Parang nagugustuhan ko narin ito sa simpleng pang-aasar nito.