ALAS SAIS na ng hapon ako nakauwi ng bahay dahil hinintay ko pa na makauwi sila Sam. Ayaw kasi nito na dito nalang sila sa bahay maglagi muna. Hanggang pag-uwi ay hindi ako inimik ni Jong, hindi ko rin alam ang dahilan nito.
"Inay! Andito na po ako." Sigaw ko sa loob ng bahay dahil nakapatay parin ang ilaw sa loob ng bahay. Nakakapagtaka dahil pag ganitong oras halos nakasindi na ang lahat ng ilaw dito sa bahay.
Lumabas ako para hanapin ang inay sa labas ngunit wala ito. Pinagtanong ko narin kila Tiyo Gido ngunit wala ito roon. Kaya bumalik ako sa loob bahay at hinanap sa kusina ang inay ngunit bigo parin ako. Kaya sinubukan ko sa loob ng kuwarto ang inay. Naroon ito at mukhang umiiyak dahil nakapatay ang ilaw tanging hikbi lng nito ang maririnig.
"Inaaaayyy, okay lang po ba kayo?" Tanong ko rito habang palapit sa tabi nito. Nakaupo ito sa sulok ng kanilang kama.
"Nnnnnniii... Nicole anak." Hindi masabi ng inay ang saluobin nito dahil nauunahan ito sa kaniyang pag-iyak.
"Inay ano po bang nangyari?" Naguguluhan Kong tanong kaya inay. Dahil pati ako ay parang maiiyak narin dahil sa nakikita Kong pag-hihirap ni inay sa pag-iyak.
"Anak, sana lahat ng sasabihin ko 'wag mo damdamin ang iyong Ama."
"Ano po ba iyon inay?" Takang tanong ko na rito kay inay dahil paligoy-ligoy pa ito.
"Anak, akala ko ay nangibang-bansa ang iyong ama, ngunit hindi pala. Sumama ito sa babae niya na nasa Maynila at dinala nila ang iyong papa sa probinsya 'nong babae." Wika ni inay. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa aking nalaman. Mahal ko ang papa, saksi ang inay roon. Pero bakit ginagawa ito ng papa saamin. Akala ko mahal ako ng papa? Akala ko mahal kami ng papa? Pero bakit ganito?
"Inay, sabihin po ninyo 'diba nagbibiro lang po kayo? 'Diba hindi naman po iyon magagawa ng papa? Kasi 'diba inay mahal tayo ng papa?" Luhaan Kong wika kay inay.
Nabigla ako sa aking nalaman wala na akong ginawa kundi umiyak ng umiyak dahil sa sakit na nararanasan namin ng inay. Niyakap ko nalamang ang inay upang kahit papaano ay gumaan ang aming pakiramdam. Maya't-maya ay humarap saakin ang inay at saka nag-salita.
"Anak, subukan mong tawagan ang papa mo, baka sakaling ikaw ang pakikinggan niya." Kitang kita ko ang pagsusumamo ng inay. Magang-maga na ang Mata nito sa kaiiyak. Kaya kinuha ko narin ang aking cellphone mula sa aking bulsa. May mga ibang text messages at missed calls narin na hindi ko muna pinansin kung sino. Sinimulan ko narin tawagan ang papa.
"Hello papa." Wika ko sa kabilang linya. Ngayon para na akong maiiyak. "Pa, bakit anong nangyari? Uuwi kanaba?" Hikbi Kong tanong rito. Ilang sandali din ang katahimikan bago ito nagsalita.
"Anak, pagpa-sensyahan mo na ang papa huh. Mahal na mahal ka ng papa, may mga bagay lamang na siguro dito ako naging masaya." Sa sinabing iyon ni papa ay umiyak ako. Parang ang bigat ng dibdib ko.
"Paano kami papa? Paano si mama? Ako? Paano ako?"
Sunod-sunod Kong katanungan kay papa ngunit iisa lamang ang aking narinig mula rito.
"I'm sorry anak, mahal na mahal kita." Pagkatapos niyang sabihin 'yan ay pinutol na nito ang linya.
Umiyak lamang ako ng umiyak, hindi ko alam kung paano kami ngayon ng inay. Kaya lumapit ako rito.
"Inay, paano na tayo ngayon?" Wika ko kaya inay ngunit tinalikuran lamang ako nito. Mas lalong bumigat ang dibdib ko sa ginawa ni inay na pagtalikod saakin. Kaya tumayo na lamang ako at nagpunta sa aking silid.
Pagpasok ko sa aking silid ay dito ko naramdaman ang bigat ng pakiramdam. Ang sakit sa tuwing maalala ko ang mga magagandang pang-yayari saaming buhay ng naririto Pa ang papa.
Naisipan ko ring tawagan si Sam baka sakaling kahit papaano ay gumaan ang aking pakiramdam.
*rriiinggggggg... *riinnnggggg....
"Hello Sam."
"Bakit?"
"Gusto ko lang ng makakausap."
"Busy ako sa ibang araw nalang."
"Pppeeeerrrr......" Bago Pa man ako mag-salita ay pinatay na nito ang linya. Kaya naisipan Kong tawagan ang tropa nitong si Jong.
*rriiinggggg.... *riiingggggg.....
"Hello Jong."
"Owhhh Nicole, napatawag ka? May problema ba?"
"Kasssssiiii... Iniwan na kami ng papa. Sumama na siya sa iba, sinubukan ko ring tawagan si Sam, kaso saglit ko lang siyang nakausap busy raw siya."
"Nicole, may sasabihin ako pero 'wag kang mabibigla huh!" Hindi ko alam pero kinakabahan ako ngayon palang. "Si Sam kasi... Sila na ulit ni Cherry, kahit itanong mo kay ate mo Maui, nakita kasi ni ate Maui na mag-kasama ang dalawa, magka-hawak kamay pa." Wika nito na aking ikinagulat.
Nanginginig ako sa sobrang galit, sa sobrang sakit. Naghalo-halo na ang emosyon na nararamdaman ko ngayon. Lahat ng tao sa paligid ko tingin ko lahat ay purong kasinungalingan lahat. Kailan kaya ulit ako magiging masaya?
Hindi ko na inantay pang makapag-salita Pa si Jong, at agad ko ng pinatay ang linya. Sa ngayon gusto Kong mag-isip. Ilang buwan nalang graduate na ako. Hindi puwedeng 'yon ay mawala pa, andaming kasinungalingan ang dumating saakin ngayon? Saan ba ako nagkamali? Nag-mahal lamang ako.
This time one thing I know. There is no permanent in this world. Someone will come, but never stay. Someone will teach you to be better. Minsan kailangan masaktan para matuto tayo sa buhay. And love someone who doesn't deserve it, it's nonsense kahit pa mag-effort ka.
At sa pag-subok na aming kinakaharap ngayon isa lang ang kailangan namin.... Ang maging matatag sa buhay kahit sobrang hirap.