CHAPTER 5

1300 Words
SUNNY Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam kung saan ba ako pupunta. Kanina pa ako iyak ng iyak. Masakit para sa akin ang mga narinig ko na sinabi sa akin ng mother in-law ko. All this time ay akala ko mabait siya, dahil iyon ang ipinapakita niya sa akin dahil mali ako. Hindi pala totoong gusto niya ako. Ayaw ko na maging bastos sa kanya kaya nga ginagawa ko ang lahat para lang magustuhan niya ako. Malaki ang respeto ko sa kanya dahil ina siya ng asawa ko, ng lalaking mahal ko. Pero ngayon ay bigla na lang nawala ang respeto na mayroon ako para sa kanya. Ang marinig ko mula sa kanya ang mga salitang iyon ay naging dahilan para masugatan ang puso ko. Ang sakit sa dibdib. Hindi ako handa. Sanay kasi ako na maayos ang pakikitungo niya sa akin. I turned off my phone para walang makatawag sa akin. “Ma’am, saan po kita ihahatid?” tanong sa akin ng taxi driver. “May alam ka po ba na lugar na puwede ko pong puntahan?” tanong ko pabalik sa kanya. “Mukhang may pinagdadaanan ka ngayon. Pero mas okay na pumunta ka sa tabing dagat para naman makapag-isip ka ng maayos. Tumahan ka na, hindi bagay sa ‘yo ang umiiyak ka.” sabi niya sa akin. “Pasensya na po kung–” “Pero alam mo okay lang na umiyak. Minsan ang pag-iyak ay nakakatulong sa atin para mabawasan ang sakit na nararamdaman natin,” sabi niya sa akin. Dahil sa narinig ko mula sa kanya ay lalong bumuhos ang luha ko. Matapang ako, alam ko na matapang ako. Pinalaki ako ng parents ko na ganito, hindi ako mahina. Pero may times talaga na bigla ka na lang bibigay. Na bigla na lang magbabago ang lahat. Minsan kahit pa pilit na i-paliwanag ng mga magulang ko na anak nila ako ay malaking parte pa rin talaga ng pagkatao ko at tinitingnan nila. Kahit pa buo at tunay na anak ang turing sa akin ng pamilya ko ay iba ang tingin ng tao sa akin. Na ako pa rin ang anak ng kakambal ni mommy Carmela. Ang malandi niyang kakambal. Hindi ipaparamdam sa akin ng pamilya ko na iba ako pero ang ibang tao ang magpaparamdam sa akin at magdidiin sa akin, iddiiin nila ang masakit na katotohanan. Tumigil ang taxi na sinasakyan ko sa may baywalk. Dahil sa phone lang ang dala ko ay mas pinili ko na online payment na lang. Mabuti na lang talaga at puwede. “Masyado naman pong malaki ito, Ma’am.” sabi ng taxi driver sa akin. “Okay lang po, manong. Salamat po, dito na lang po muna ako.” nakangiti na sabi ko sa kanya. “Hihintayin na lang kita, Ma’am. Ako na lang po ang maghahatid sa ‘yo mamaya para safe ka,” sabi niya sa akin. “Naku, ‘wag na po. Nakakahiya po,” sabi ko sa kanya. “Okay lang po, itong binayad mo sa akin ay parang isang linggo ko na ito na pasada.” sabi niya sa akin. “Salamat po, manong.” sabi ko sa kanya at lumabas na ako sa taxi niya. Nagsimula na akong maglakad-lakad hanggang sa tumigil ako at umupo ako sa may semento. Nakatanaw ako sa dagat. Marami rin tao ang narito ngayon. Siguro ay gusto rin nilang magpahangin lalo na medyo malamig dito. Sa tagal ko na dito sa Manila ay ngayon lang ako nakapunta dito. Okay rin pa lang tumambay dito. Habang nakatanaw ako sa dagat ay bumalik sa akin ang lahat ng mga masasakit na alaala ko simula noong bata ako. At laging nand’yan ang Kuya Adam ko para ipagtanggol ako. Kapag kasama ko siya ay walang sinuman ang puwedeng umaway o manakit sa akin. Gusto ko siyang tawagan pero alam ko na mag-aalala lang siya sa akin. Lalo na ayaw kong sabihin sa parents ko ang nangyayari sa akin ngayon. Ngayon na may asawa ako ay kailangan na maging matatag ako. Iiyak ako pero alam ko na ngayon lang ito. Gusto ko lang talagang ilabas ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung oras ba ako nandito bago ako nagpasya na umuwi na. Malapit ng mag-hating gabi at wala ng mga tao dito. Katulad ng sinabi ni manong kanina ay hinatid nga niya ako pero mas pinili ko na sa gate na lang ng subdivison namin. Maglalakad na lang ako pauwi sa bahay. Gusto pa sana akong ipahatid ng guard pero tumanggi ako. Habang naglalakad ako ay nakakaramdam na ako ng pagod. Inaantok na rin ako dahil nga ano oras na. Hindi kasi ako sanay na magpuyat kaya talagang kailangan ko na magpahinga. Malapit na ako sa gate namin. “Love!” narinig ko ang boses ng asawa ko at tumatakbo ito palapit sa akin. Bigla na lang niya akong sinalubong ng isang mahigpit na yakap. “Where have you been? Saan ka pumunta?” tanong niya sa akin. “Nagpahangin lang ako,” sagot ko sa kanya. “I’m sorry, love. I’m sorry kung hindi kita–” “Wala kang kasalanan. Sorry kung bigla na lang akong umalis,” sabi ko sa kanya dahil alam ko na walang kasalanan sa akin ang asawa ko. Ang mga masakit na sinabi sa akin ng mommy niya ay wala siyang kinalaman. Inosente ang asawa ko kaya walang dahilan para magalit ako sa kanya. “Next time ay ‘wag mo na itong gawin ha,” sabi niya sa akin. “Opo, sorry kung pinag-alala kita,” sabi ko sa kanya. “Kalimutan na natin ang nangyari. Pasok na tayo sa loob, alam ko na pagod ka na.” sabi niya at bigla na lang niya akong binuhat. Hindi na ako kumontra pa dahil pagod na rin talaga ang mga paa ko. Dumiretso kami sa room namin at maingat niya akong ibinaba sa kama namin. “Gusto mo bang kumain?” tanong niya sa akin. “Mas gusto ko ng matulog,” sabi ko sa kanya. “Okay, kukuha muna ako ng damit mo.” sabi niya sa akin at tumayo na siya para pumasok sa walk-in closet namin. Paglabas niya ay dala na niya ang damit ko. Siya na mismo ang nagbihis sa akin. Hindi na rin naman ako nahihiya sa kanya lalo na nakita na naman na niya itong katawan ko. Inalalayan niya akong pumunta sa banyo para maghilamos ako. After ay binuhat niya ako para lumabas na at humiga na kaming dalawa sa kama namin. “Love, I’m sorry sa mga sinabi ni mommy. Alam ko na nasaktan ka sa naging asal niya kanina,” sabi niya sa akin habang hinahaplos ang pisngi ko. “Tama naman siya eh, baka nga baog ak—” “Don’t say that. Hindi pa siguro ngayon ang oras para ibigay sa atin ang hiling natin. Ang mas mahalaga ay tayong dalawa. Bata pa tayo kaya marami pa tayong pagkakataon na sumubok. Mas mabuti na hindi na muna tayo pupunta doon,” sabi niya sa akin. “Okay lang sa ‘yo?” tanong ko sa kanya. “Ikaw ang asawa ko at kung ano ang mas makabubuti sa ‘yo, sa atin ay iyon ang gagawin ko. Kahit ako ay naiinis rin sa mommy ko. Pero nag-sorry naman siya sa akin at sabi niya ay sorry daw sa mga sinabi niya,” sabi niya sa akin. Gusto kong sabihin sa asawa ko na bakit sa kanya mag-sosorry kung sa akin may ginawang masama. Pero mas pinili ko na lang na manahimik at ipinikit ko na lang ang mga mata ko. Gusto ko ng matulog dahil pagod na ang buo kong katawan lalo na ang utak ko. “Good night, love. I love you,” narinig ko na sabi ng asawa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD