Katulad ng dati wala akong bitbit na gamit pabalik sa dating bahay ni Hunter,nag palit lang ako ng aking suot, nag short lang ako at tenernuhan ko ito ng hangging blouse napangiti ako dahil bagay sa akin ang suot ko, tinaliaan ko lang din ang buhok ko pataas at nag lagay ako ng kunting pulbos sa aking mukha ginamit ko rin ang lipstick na bigay sa akin ni Tsang. "Aya! Tapos kana ba aalis na tayo." Tawag ni Tsang habang kumakatok ito sa pinto. "Opo Tsang, lalabas na po ako." Sigaw ko. "Sige sumunod ka na lang sa amin sa baba." "Sige po." Magalang kong sagot kay Tsang, pinasadahan ko muna ang aking sarili sa harap ng salamin dito sa silid namin ni Hunter, bago ako lumabas ng kwarto. Habang pababa ako ng hagdan nakita ko si Tsang, at si Hunter, habang nag- uusap ang dalawa at parang se

