Episode 44 Kira Tia’s POV. Grabe ang hiyang nadarama ko ngayon sa pag-iyak sa harapan ni Sir—I mean ni Cole. Pagkatapos kong umiyak sa harapan niya ay dinala niya ako sa isang park at bigyan nang makakain. Nakaupo kami ngayon sa isang bench habang nakatanaw sa mga bata na naglalaro sa hindi kalayuan. Iniinom ko ngayon ang binili ni Cole na soft drink para sa akin. Napatingin ako sa kanya. “Pasensya na talaga kanina sa pag-iyak ko, Cole, ah?” sabi ko. Napatingin siya sa akin at nginitian ako. “No need to say sorry, Kira. May mga oras talaga na kailangan mong ipalabas ang mga nararadaman mo para gumaan ng kunti ang iyang pakiramdam.” Napangiti ako at napatango sa kanyang sinabi. Hindi ko akalain na makakakilala ako nang isang sikat na artista at singer. Akala ko talaa suplado itong s

