Episode 54

2127 Words

Episode 54 Kira Tia’s POV. “Pasensya ka na talaga kung hindi na ako nakabalik sa resort, Kira,” sabi ni Cole. Napatingin ako sa kanya at nginisihan siya. “Ano ka ba! hindi naman ako galit sa iyo. Naintindihan ko naman kung bakit hindi ka nakabalik kaya okay lang sa akin,” sabi ko at nginitian siya. Huminga siya nang malalim at napatingala. Nandito kami ngayon sa park na pinupuntahan namin dati ni Cole. Wala akong trabaho ngayon kasi sabado at wala rin siyang schedule ngayon at free day niya. Binilhan ulit ni Cole ng isang buko juice at agad ko rin itong kinuha sa kanya at uminom. Buti nalang talaga at nagyaya sa akin si Cole na mamasyal dito sa parke ngayon. Baka kasi mabaliw na ako sa loob ng apartment ko kakaisip sa huling pinag-usapan namin ni Trevor noong hinatid niya ako pauwi.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD