Episode 37 Kira Tia’s POV. Nag walk out si Sofia pagkatapos sabihin ni Trevor dito na mahal niya ako at sa akin lang siya magpapakasal. Kung ako naman ang nasa position ni Sofia sa mga oras na iyon ay mag wa-walk out din ako dahil sa hiya at sakit na nadarama. Pero hindi ako si Sofia at ang sakit talaga nang sampal at paghila niya sa aking buhok. Kapag talaga nakita ko ulit ang demonyetang iyon ay sasabunotan ko rin siya at sasampalin para tabla na kaming dalawa! Nang makaalis din si Sofia sa opisina ni Trevor ay agad niya rin akong hinila paalis sa opisina at pumunta kami sa aking apartment. Ginamot niya ang namumula kong pisngi na ginawa ni Sofua kanina. Nang nandito na kami sa loob ng apartment ay hindi matigil ang pag ring ng cellphone ni Trevor at sa akin din. Sinagot niya ang tum

