Episode 39 Kira Tia’s POV. “Trevor, may nasabi ba ako na ikinagalit ni Tita Rachel?” tanong ko ulit sa kanya. Nakasakay na ako ngayon sa kanyang sasakyan at hinahatid na ako ni Trevor sa aking apartment. Pagkatapos na umalis ni Tita Rachel sa may Dining area kasama si Tito Anderson ay sinabi ko nalang kay Trevor na umalis na kami. Wala na rin naman kaming mapapala doon kasi nag walk out na si Tita. Pero hindi ko pa rin mapigilan na mapatanong kung bakit nagka ganoon si Tita Rachel. “Umatake lang siguro ang stress ni Mommy kanina. Wala kang sinabing masama kanina kaya huwag ka nang mag isip diyan ng kung ano-ano,” sabi niya at hinalikan ang aking kamay bago muling nag focus sa pag da-drive. Napatingin ako sa harapan at muling napaisip. Napatingin ulit ako kay Trevor at nag tanong. “Pe

