Nagsimula ako sa pagsayaw nang hilahin ko na si Yuno palapit sa akin. Nagbago na rin ang tugtog at naging pang party na talaga ang tugtugan. Parang may DJ pa nga rito, pero kami lang naman ang tao na narito ngayon sa loob. Para tuloy kaming nasa isang totoong bar talaga ngayon. Talagang pinaghandaan ni Yuno na maging bar talaga ang dating ng mini bar niya rito. Naramdaman ko naman ang kamay ni Yuno na humawak sa baywang ko. Kahit na may damit naman ako na suot ngayon ay parang nararamdaman ko ang init ng haplos niya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon. Pero parang wala nga akong nararamdaman na kahit na ano, eh. Ito na ba ang epekto sa akin ng alak ngayon? Naramdaman ko na humigpit na ang hawak ni Yuno sa baywang ko at sinasabayan na rin niya ako sa pagsayaw

