Ikakasal na siya sa susunod na linggo? Akala ko ay magkakasuntukan na silang dalawa, pero nagulat ako nang bigla na lang tumawa si Drake ng malakas. Tiningnan ko rin ang reaksyon ni Yuno at nagulat siya na bigla na lang tumawa si Drake. Binitawan naman ni Yuno ang hawak niya sa kamay ko. Namamawis na nga ang kamay ko dahil sa kaba na nararamdaman ko kanina. Hindi pa rin tumitigil si Drake sa kakatawa niya at napapahawak pa siya sa kaniyang tiyan dahil sa sobrang tawa niya. Nang kumalma na siya ay pinunasan pa niya ang kaniyang mga mata dahil napaluha na siya sa sobrang pagtawa. "What was that for, Drake?" tanong ni Yuno sa kaniya. Nagtataka rin ako kung bakit bigla na lang siyang tumawa. "Ahh... That was fun. I am actually participating in a movie. Nagpa-practice lang ako kung paano um-

