2: FLIGHT

1973 Words
“Miss Noelle, ito na ang mga requirements mo. Hinanda na rin namin ang flight tickets mo papunta sa Los Angeles. Your flight will be tomorrow.” Tinanggap ko naman ang isang envelope na inaabot sa akin ng staff ng agency ko. Tiningnan ko kung ano-ano ang mga naroon para rin alam ko kung may kulang pa ba o wala na. Mayroon ang passport ko, flight ticket, pocket money, mga papeles tungkol sa titirahan ko at nakalagay doon ang address na kailangan kong hanapin, visa ko, at ang Overseas Employee Certificate o tinatawag na OEC. Mayroon na rin akong cell phone na bago at isang sim card na international. Pati ang contact number ng agency ko at ng amo ko ay nakalagay na sa bagong cell phone na ibinigay sa akin. “Mayroong sasalubong sa ‘yo mula sa Los Angeles International Airport at ihahatid ka papunta sa bahay ng amo mo. Nakausap naman na namin ang amo mo at magkakaroon ka na agad ng access sa bahay doon sa oras na makarating ka.” Ipinaliwanag pa niya sa akin ang mga dapat kong tandaan at alalahanin kaya nakinig ako ng mabuti. Nagpasalamat ako ng husto nang matapos na ang usapan namin. Umuwi agad ako sa bahay namin. Tiningnan ko kung kumpleto na ba ang lahat ng mga gamit ko. Isang malaking bagahe lang ang dala ko. Bumili din ako ng mga damit na presentable para naman hindi nakakahiya ang mga dadalhin ko sa ibang bansa. Mga mumurahin lang naman na damit ang nabili ko. Malaki-laki rin ang pocket money na ibinigay sa akin. Mayaman daw talaga ang amo ko kaya binigyan ako ng pera agad kahit ‘di pa ako nagsisimula sa trabaho. Doon din ako sa bahay nila titira, dahil nga kasambahay nila ako. Ayon sa nabalitaan ko, ang anak na lalaki ang pagsisilbihan ko. Siya lang din ang nakatira sa bahay na ‘yon. Tapos ang pinaka-amo ko talaga na kumuha sa akin ay ang ina niya. Balita ko pa nga ay napili raw ako dahil sa itsura ko na maganda raw ako, sabi ng agency ko. Pero ‘di ko alam kung maniniwala ako o hindi. “Aalis ka na talaga bukas, Ate?” tanong sa akin ng kapatid ko na si Shane. Ngumiti naman ako sa kaniya bago sumagot. Pero mas nararamdaman ko na ngayon ang lungkot dahil totoo na talaga na aalis na ako. “Oo, eh. Kailangan ko rin naman ‘tong gawin dahil ako ang panganay. Tsaka oras na rin naman talaga para magtrabaho ako.” “Pero ang layo ng Los Angeles. Tapos magkaiba pa ang oras doon kaysa sa oras dito sa Pilipinas. Kaya malamang ay minsan ka na lang namin na makakausap.” Lumapit naman sa akin si Syra at naiiyak na siya agad. Hindi na rin sila makatulog ngayon dahil iniisip na nila na aalis na ako bukas. Gabi pa naman ang alis ko bukas dito sa Pinas. Kaya may halos isang araw pa talaga ako na makakasama nila. Niyakap ko naman ang mga kapatid ko. “Magsasama rin naman tayo ulit. Saglit lang ako roon na magtatrabaho. Isang taon lang ang kontrata na pinirmahan ko. Dahil ang sabi naman sa akin ay wala ring kasiguraduhan kung hanggang kailan ako roon magtatagal. Depende pa raw kung magugustuhan ako ng amo ko o hindi. Pero ayos na sa akin ang isang taon. Makakaipon naman na ako sa loob ng isang taon na ‘yon. Tapos uuwi rin agad ako rito para magtrabaho ulit, pero ang mahalaga ay malapit na ako sa inyo,” paliwanag ko naman sa mga kapatid ko. Mabilis lang lumilipas ang panahon. Hindi namin mamamalayan na naka-isang taon na pala ako sa ibang bansa at uuwi na agad dito sa Pinas. ‘Yon na lang ang iisipin ko. Masasanay din naman ako na wala sila sa tabi ko. Sa una lang daw mahirap at malungkot. Kailangan lang talaga muna magsakripisyo para guminhawa ang buhay. Kahit naman ang mga mayayaman na tao, nagsisimula rin sila sa mababa noon bago sila yumaman. “Noelle, ihahatid ka namin bukas sa airport.” Pumasok na rin si Papa sa kwarto ko. Agad naman ako na umiling sa sinabi niya. “Huwag na, Pa. Kaya ko nang pumunta sa airport mag-isa. Mas malulungkot lang ako kapag nakita ko pa kayo bago ako umalis mismo. Mas masakit ‘yon.” Pabiro pa ako na tumawa nang matapos kong sabihin ‘yon. Pero pinipigilan ko na lang din talaga ang sarili ko na maiyak ngayon. “Pero marami kang bitbit. Kahit ‘di na kami papasok sa airport mismo.” “Pa, okay lang ako. May taxi naman, eh. Tsaka mabilis lang din naman ang biyahe ko. Isang bagahe lang din naman ang dala ko.” Hindi na siya nagpumilit pa dahil alam din naman niya na ‘di talaga ako papayag na ihatid niya ako. Naka-business class pa raw ang upuan ko sa eroplano. Bali long haul ang flight ko, isang deretso na flight papunta sa Los Angeles. Philippine Airlines ang sasakyan ko tapos ang flight ay 13 hours ang haba. Kaya halos isang araw din ‘yon na nasa ere lang ako. Mas okay daw ang isang deretso na flight, kaysa dalawang flight na magkasunod pa. Pwede rin ako na dalawang bagahe ang dalhin, pero isa na lang ang dadalhin ko at 30 kilograms ang bigat no’n. Medyo marami kasi akong dinala. Bukod sa mga damit ko, dala ko rin ang mga personal na gamit ko tulad ng mga pangligo ko at kaunting pagkain na mula dito sa Pinas. Naisip ko na sa ibang bansa baka wala masiyadong mga delata na kinakain ko o mga instant foods. Tsaka baka mas mahal din ang presyo roon. Kaya magdadala ako ng mga pagkain. Mas okay na rin na isang bagahe lang ang dala ko para ‘di gaano masiyadong marami ang bitbit ko sa ibang bansa. Isang malaking bag at isang hand-carry bag lang na maliit ang dadalhin ko. May dala rin ako na isang teddy bear. Mula pa noong bata ako ay nasa tabi ko na ‘to, kaya ayokong iwan. Para naman kahit papaano ay hindi ako masiyadong malungkot na mag-isa lang ako. Twenty-three years old na ako at para sa akin bata pa talaga ako kaya kailangan ko ng mga ganitong bagay. Lalo na at wala rin naman akong asawa at anak pa. Wala rin sa plano ko dahil kahit wala pa ako no’n ay parang may pamilya na ako na binubuhay. Iisipin ko na lang ang mga kapatid ko at si Papa. Si Mama naman… wala na talaga siyang paramdam sa amin. Wala na kaming balita sa kaniya sa isang buwan na nakalipas. Hindi rin namin siya sinubukan na tawagan pa o hanapin o alamin man lang kung ano na ang buhay niya ngayon. Kahit ang mga kapatid ko ay hindi siya hinahanap o tinatanong. Si Syra nga ang inaalala ko dahil bata pa siya at bunso, pero hindi niya hinahanap-hanap si Mama. Nang gabi na ‘yon ay sinulit na lang namin na mag-bonding kami. Nanood kami ng movie sa TV, nagkwentuhan kami ng mga bagay-bagay, at nagtatawanan kami buong gabi. *** Kinabukasan ay handa na akong umalis. Nasa labas na kami ng bahay ngayon at nakalagay na rin sa taxi ang mga gamit ko. May dala rin ako na makapal na jacket dahil may snow na raw doon sa Los Angeles. Umiiyak na ang mga kapatid ko habang yakap-yakap ako ngayon. Si Papa naman ay naluluha na din. Samantalang pigil na pigil ako sa pag-iyak at dinadaan na lang sa ngiti ang sakit at lungkot. “Huwag na kayong umiyak. Uuwi rin naman ako agad, eh. Tatawagan ko kayo agad sa oras na makarating na ako roon. Tsaka may Wi-Fi rin daw sa eroplano kaya makakausap ko rin kayo habang nasa flight ako mamaya. Okay? ‘Wag na kayo malungkot. Magkalayo man tayo pero mag-uusap at magkikita pa rin tayo lagi. Susubukan ko na mag-adjust sa oras doon at sa oras niyo rito,” paliwanag ko pa sa kaniya. Para kahit papaano ay hindi na sila masiyadong malungkot. “Ate, mami-miss kita ng sobra. Ingat ka doon ah? I love you, Ate.” “Mahal ko rin kayo. Oo mag-iingat si Ate. Kayo rin ah? Syra, magpakabait ka kay Ate Shane mo. Pati kayong dalawa ay magpakabait kay Papa. Tulungan niyo siya at ‘wag kayong tamad. Mag-aral din kayong mabuti, okay?” paalala ko pa. Tumatango naman sila sa akin. Sunod naman ay niyakap ko si Papa. “Ingat ka doon, anak. Pasensya ka na ha? Kung kailangan mo ‘tong gawin…” Naiiyak na ako… Pero kailangan kong pigilan. “Ano ka ba, Papa? Responsibilidad ko rin ‘to na tulungan kayo bilang anak mo. Kaya okay lang sa akin.” Nagpaalam na ako sa kanila at umiiyak pa din sila. Niyakap ko sila ng mahigpit at saka ako sumakay sa taxi. Kumakaway pa ako sa kanila hanggang sa makalayo na ako. Doon tuluyang bumuhos ang luha ko nang makalayo na ako sa kanila. Sobrang lakas ng hikbi at iyak ko sa loob ng taxi. Hindi ko na kayang pigilan pa ang luha ko. “Hala, pasensya na po ah? Medyo… medyo malakas p— po a—ang i—iyak ko ngayon.” Humihikbi ako ng sobra habang humihingi ng pasensya sa taxi driver. “Iiyak mo lang ‘yan, Ma’am. Naiintindihan ko po dahil mahirap talaga ang iwan ang pamilya para magtrabaho sa ibang bansa.” Ang hirap pala talaga. Ngayon pa lang na ‘di pa ako nakakaalis mismo sa Pilipinas ay grabe na ang lungkot na nararamdaman ko. Natatakot pa ako dahil hindi ko alam kung anong buhay ba ang naghihintay sa akin sa ibang bansa. Nalulungkot ako dahil wala akong kasama na kahit sino sa bansa na ‘yon. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba na wala ang pamilya ko… *** Sobrang haba ng naging biyahe ko sa ere. Halos tulog at kain lang ang ginawa ko. Tinawagan ko rin ang mga kapatid ko habang nasa eroplano ako dahil may internet nga sa eroplano. Naghahanda na ako ngayon para bumaba sa eroplano dahil nakapag-land na at nakaparada na. Nang makababa kami sa eroplano ay nagpunta ako sa kuhanan ng mga bagahe para kunin ang maleta ko. Nang makuha ko na at makapag-clear na ako sa immigration ay dumeretso na ako sa labas ng airport. Huminga ako ng malalim at saka ako tinawagan ng susundo sa akin. Maya-maya lamang ay may isang van na pumarada sa harapan ko at may babae na kumausap sa akin. “Are you Ms. Noelle Reyes?” “Yes, I am.” “It’s nice to meet you. I am Apple, the one that will drop you off to your employer’s house. Come inside.” “Oh, thank you very much.” Tinulungan nila ako sa maleta ko at saka ako sumakay sa van. Doon ay sinabihan niya ako na ako na raw ang bahala na magpakilala sa akin sa bahay ng amo ko. Pero inutusan din niya ako na tawagan ang amo ko sa oras na nasa harap na kami ng bahay nila. Ang amo ko ay ang babae na nakapangalan sa phone na binigay sa akin. Kinakabahan ako ng husto ngayon habang papalapit na kami sa subdivision. “By the way, Ms. Apple… Do you know my employer’s name? Because I was advised that my real boss in the house was a man, the one whom I will serve,” tanong ko. Napapasabak na rin agad ang pagi-ingles ko ngayon. “Oh… Wait. I have his name. Let me check.” Hinintay ko naman na matingnan niya kung ano ang pangalan ng pagsisilbihan ko. Basta ang alam ko lang ay kaedaran ko lang daw at lalaki ‘yon. “His name is Yuno Miller.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD