Confused Dahil nga sa may ilang subjects pa kaming dapat pasukan ay hindi na ako nagdalawang isip pa na pumunta sa room at bumalik na sa kinauupuan ko, habang nasa likod ko naman si Ethan nakasunod lang. And just like what I expected ay halos lahat ng mata ng mga kaklase namin ay sa amin lang nakatuon. Especially on me. Ito na nga ba ang sinasabi ko, eh. Masyadong takaw pansin talaga 'tong lalaking kasama ko at hindi talaga pwedeng walang estudyante na mapapalingon sa akin kapag kasama ko siya. Sigurado akong laman nanaman ako ng mga usapan ng mga 'to nang dahil sa eksenang naganap kanina. Agad na akong naupo sa upuan ko nang makarating kami dahil na rin sa halos kasunod lang din namin ang prof namin na dumating. The taking of the exam continued until afternoon. Ilang oras ang nak

