Not Familiar
Matapos mag-announce ng dismissal ang professor namin ay hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at agad-agad nang lumabas doon.
Gusto ko nang makauwi kaagad at magmukmok sa loob ng kwarto ko hanggang sa mag-umaga.
Ang pangit-pangit ng araw ko!
As I walk pass the door of our room, I still can't stop noticing what my classmates are doing.
Iniangat ko ang tingin ko sa loob ng classroom namin at napansin ko agad ang mga classmate ko na nagkukumpulan sa harapannng upuan ni Ethan.
Lahat sila ay pawang nagpapa-cute at nagpapapansin sa kaniya, but him? He doesn't seem so interested.
Kinakausap siya ng mga babae na nasa harapan at bawat gilid niya pero hindi niya pinapansin ang mga 'yon, ni tignan manlang sila ay hindi niya ginagawa na para bang wala siyang naririnig.
Tinutuloy-tuloy niya lang ang ginagawa niya na pagaayos ng mga gamit niya sa loob ng bag niya.
Maya-maya pa ay napaigtad ako habang nakatayo sa labas nang bigla niyang hinampas ang ibabaw ng upuan niya. Tumayo rin siya matapos no'n.
Nang dahil sa lakas ng pagkakahampas niya ay lahat ng mga nakapaligid sa kaniya ay nagulantang rin at hindi nakabawi kaagad.
He looked around the group of girls around him with his usual 'rude' stare and clicked his tongue.
"Get out of my face," he said like a warning. Nagkatinginan ang mga babaeng nasa harapan niya na para bang nagdadalawang isip pa kung susundin siya.
"E-ethan, pwede ba namin malaman yung social media profiles mo?" a girl asked hesitantly. Nang dahil sa sinabi niyang 'yon ay naagaw niya ang atens'yon ni Ethan.
Since Ethan is far more taller than any of us here, he looked down on her, which made me hate him more.
Wala naman siyang ginagawang masama kung tutuusin pero ewan ko ba, hindi maganda ang tanawin ko rito.
My eyes shifted at the girl who just spoke in front of him. She's trying to smile widely at him even though the nervousness on her face is actually visible.
Hindi nagsalita si Ethan para sagutin siya at nanatili lang itong nakatingin sa babae. She was about to say something again when Ethan bumped her.
Napaupo ang babae na 'yon sa sahig nang bigla siyang banggain ni Ethan, na naglakad naman kaaga palabas ng classroom habang ang mga kamay niya ay nakapasok sa magkabilang bulsa ng pants niya.
He walked pass me but he didn't bother to glance. Dire-diretso lang siyang naglakad palayo na siya namang sinundan ko nalang ng tingin.
Bumalik ang tingin ko sa loob ng classroom namin at nakitang nakaupo pa rin sa sahig ang babae na 'yon habang nakayuko.
He's just so rude! Napakasama ng ugali ng lalaking 'yon! Nagtatanong lang naman sa kaniya tapos gano'n ang gagawin niya?
Wala na siyang pinagbago kahit kailan!
I want to go back inside and help the girl to get up but at the same time ay gusto kong takbuhin si Ethan para kausapin tungkol sa ginawa niya.
Hindi na siya bata para manakit pa ng kung sino-sinong tao para lang magmukhang 'cool'. Those gangster things back when we were in grade school are done! Hindi na dapat siya nanggagano'n pa!
Hindi naman niya ikapo-pogi yung ginagawa niya.
Pero bakit nga ba ako mangingialam? Hindi naman na ako ang inaapi-api niya ngayon, bakit ako ang naaapektuhan? Bakit hindi ko nalang sila hayaan?
I don't like the spotlight, and interfering on matters like this will only make me step onto it.
Nagpabalik-balik ako ng tingin sa babaeng nakasalampak sa sahig at sa daan na dinaanan ni Ethan kanina. Pumikit ako ng mariin at nang hindi ko na napigilan ang sarili ko ay naihakbang ko na ang mga paa ko.
"Aish!" singhal ko. Hinawakan ko ang magkabilang strap ng bag na suot-suot ko at mabilis na naglakad pasunod sa kaniya.
Hindi ko alam kung saan siya dumaan, o kung nandito pa ba siya sa campus. Knowing Ethan, he probably left already.
Sabagay, tapos naman na ang klase. Wala naman na siyang gagawin pa rito para mag-stay nang matagal.
Except nalang kung may gang fight nanaman siyang aasikasuhin. Lagi naman siyang takaw gulo, laging may kaaway.
Kaya dati ay walang araw na hindi ako makakakita ng sugat sa mga parte ng katawan niya.
Napatigil ako sa paglalakad nang mapagtanto ko ang mga naiisip ko. Agad akong umiling-iling nang dahil do'n.
The hell, why am I even reminiscing about those kind of stuff? As if namang napaka-memorable ng elementary life ko dahil sa kumag na 'yon.
Eh siya nga laging sumisira ng mood ko! Bakit ko pa siya iisipin? Wala naman siyang nagawang maganda sa buhay ko.
Wala siyang dulot, isa lang siyang malaking peste.
Paulit-ulit at ilang beses kong iniling-iling ang ulo ko para mawala lang sa isipan ko ang maisip ang tungkol sa kaniya.
"Baliw ka ba?" napatigil ako sa paggalaw nang paggalaw ng ulo ko nang may marinig akong boses.
Naramdaman ko ang unti-unting paginit ng buong mukha ko nang ma-realize ang sitwasyon nang mga oras na 'yon.
Someone saw me!
"Hey, I'm talking to you, weird woman," sunod pa na sabi nito. Sa may bandang kaliwa ko nanggagaling ang boses niya pero hindi ko magawang maingat ang ulo ko.
Nahihiya ako! Gusto ko nalang na tumakbo palayo doon nang mabilis at hindi na bumalik pa pero alam kong hindi ko kayang gawin 'yon.
Maya-maya pa ay naramdaman ko ang paggalaw ng kung sino sa may gilid ko. Napapikit ako ng mariin nang mapagtanto na papalapit na siya sa akin.
Nagulat ako nang makaramdam ako ng haplos sa may baba ko at nang gumalaw ang kamay na 'yon ay kusa akong napatingin sa taong nasa harapan ko.
Mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang makita si Ethan na kunot-noong nakatitig sa akin habang nakahawak ang dalawang daliri niya sa baba ko.
"I don't like people not looking at me while I'm talking to them," he said in a cold tone.
Hindi ako nakaimik nang marinig 'yon sa kaniya at tanging ang paglunok ng laway ko nalang ang nagawa ko.
His eyes are intently staring at me. He pursued his lips when he noticed that I don't have any plans on talking back. May pagkaharas na binitawan niya ang baba ko dahilan para mapahawak ako doon.
Agad niya akong tinalikuran at t'yaka ko lang napansin ang sigarilyong hawak-hawak ng kabilang kamay niya. The cigarette is already lit and I can see that he's been smoking when I accidently stopped in front of him.
Kumurap-kurap ako habang nakatingin lang sa likuran niya habang siya ay naglalakad palayo sa akin. Maya-maya pa ay napagtanto ko na kung sino ang lalaking kausap ko.
It was Ethan! I totally forgot that I was looking for him!
Dati ka bang baliw, Sierra?
"Wait!" sigaw ko. Napatigil siya sa paglalakad nang marinig ang naging pagtawag ko na 'yon pero hindi siya kaagad na lumingon sa akin.
Inangat niya ang kamay niya na may hawak na sigarilyo at inilapit 'yon sa mukha niya. Humigop siya doon at dahan-dahan niyang binuga ang usok no'n sa hangin.
Sinundan ko siya ng tingin nang binitawan niya ang stick ng sigarilyo na 'yon at inapakan. T'yaka lang siya lumingon sa akin nang tuluyan na niyang mapatay 'yon.
I stared at his face when I noticed that he's also staring at me. Nakataas ang kilay niya sa akin habang may usok pa ng sigarilyong hinigop niya kanina na lumalabas sa bibig niya.
Hindi siya nagsalita at parang hinihintay niya lang ako na magpaliwanag kung bakit ko siya tinawag.
Tumikhim ako bago nagsalita.
"This is not my concern since you have your own free will to do things in favor for you but let me just leave you with a concerned reminder," I started. Kumunot ang noo niya nang marinig ang sinabi ko pero nanatili lang siyang tahimik.
"Smoking causes a lot of problems in a user's body, physically and psychologically. Smoking causes different kinds of diseases such as different types of cancer, heart disease, stroke, lung diseases, diabetes, and even chronic obstructive pulmonary disease (COPD), which includes emphysema and chronic bronchitis. Smoking also increases risk for tuberculosis, certain eye diseases, and problems of the immune system, including rheumatoid arthritis," mahabang pagpapaliwanag ko.
Hindi siya nagsalita at para bang wala lang sa kaniya ang narinig niya sa akin dahil kumuha siyang muli ng isang piraso ng sigarilyo at sinindihan 'yon mismo sa harapan ko pa.
Napangiwi ako nang makita 'yon at talagang nakatingin pa siya sa akin habang humihigop doon.
Napairap nalang ako sa kawalan nang dahil do'n at napatakip sa ilong ko.
"And Mr. Scott, smoking in such places like schools, is strictly prohibited. Itatapon mo 'yan o ire-report kita?" nakataas ang kilay na tanong ko.
Mas lalo ko siyang tinitigan nang diretso matapos kong sabihin 'yon pero walang nagbago sa exspresyon ng mukha niya.
Hindi rin niya tinigilan ang pagsigarilyo dahilan para mas lalong nalukot ang ekspresyon ng mukha ko.
He removed the cigarette on his lips and looked straight back at me.
"Are you the president of student council? I don't even know you for you to gave me warnings about my health in terms of smoking," sagot niya. Nalaglag ang panga ko nang marinig ko 'yon.
Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya at mas lalo rin na naginit ang mukha ko dahil sa mga sinabi niyang 'yon.
Anong 'I don't even know you'? Kanina lang ay para siyang tangang ngumingisi-ngisi sa 'kin sa room tapos ngayon may gana pa siyang magsabi sa akin ng gano'n.
Ano siya nagka-amnesia? At imposible rin na hindi niya ako maalala dahil lagi niya akong pinepeste nung elementary pa lang kami! How dare he?!
Lord, pwede ko bang iuntog ang ulo ng lalaking 'to para kahit papano ay maalog ang memorya niya?
"Seriously? Pero kanina todo titig ka? Wag mo akong ginaganyan-ganyan, Ethan Scott," nakakunot ang noong sabi ko sa kaniya.
His brows arched and stepped his foot to inched the gap between us. Tinitigan niya ang mukha ko at maging ang labi ko ay pinasadahan niya ng tingin.
Napalunok ako nang dahil do'n at hindi ko alam kung bakit nanunuyo ang lalamunan ko nang mga oras na 'yon.
"A-anong ginagawa mo?" nauutal na tanong ko. Hindi siya nagsalita at tinitigan lang ang mukha ko.
"You're... not very familiar," mahinang bulong niya matapos ang ilang minuto. Napaawang muli ang bibig ko nang dahil do'n.
Inilayo niya ang mukha niya sa akin at ipinasok nanaman ang mga kamay niya sa loob ng bulsa ng pants niya. Doon ko lang napansin na naapakan na niya palang muli ang pangalawang sigarilyong hawak niya.
Napalingon ako sa likuran ko nang makarinig ako ng kung anong mga ingay at nanlaki ang mga mata ko nang makita kong nagsisilabasan na ang mga estudyante sa building namin.
Agad kong hinarap si Ethan at nakita kong naglalakad na ito palayo sa akin. May ilang mga lalaki na sumabay sa kaniya sa paglalakad na may hawak-hawak pang kaha ng yosi.
I want to call him again but that will only create a scene since there are now students around us.
Wala na akong ibang nagawa kundi ang tumayo nalang doon at mainis sa sarili ko. Kung kanina ko pa sana siya kinompronta tungkol sa nangyari ay sana nakausap ko siya nang maayos.
Alam kong natural na sa kaniya ang pagiging walang modo pero hindi na 'yon pwede ngayong college na kami!
I want to stop myself from minding his business but I can't. Ayokong may magaya sa akin noong ako yung ginagano'n-gano'n niya. Hindi na pwedeng maulit 'yon.
Kahit na sa ibang estudyante pa.
Naglakad na ako palayo doon habang hawak-hawak ang strap ng bag ko. Nakayuko lang ako at kahit na inis na inis na ako nang mga oras na 'yon ay pinigilan ko ang sarili ko.
Pinanatili ko ang pagiging 'emotionless' ng mukha ko para hindi ako mapansin ng mga nakakasalubong ko.
Nab-bwisit talaga ako sa kaniya! Ang kapal ng mukha niya para sabihin na hindi niya ako kilala!
Not very familiar? Neknek niya!
Kung hindi niya ako maalala ay ako ang gagawa ng paraan para maalala niya ako!