Trouble Bago magsimula, habang nage-exam at hanggang sa matapos kaming mag-exam ay wala akong ibang ginawa kundi ang samaan ng tingin si Ethan. That was not just because I hate him, but because I want to read what he's been thinking. Hindi ako mapakali. Why did he called me a thief? Was that just a metaphor to make me confused? Pang-aasar lang sa akin? Or talagang sinadya niya kasi may ginawa ako? Kung pagdating sa materyal na bagay o pera man kaya niya ako natatawag na gano'n ay wala akong maalala na may kinuha ako sa kaniya, o kahit sa bahay nila. And I'm not someone who would steal something away. Hindi ako gano'ng klaseng tao at kahit kailan ay hindi ako magiging gano'n. Ano bang gusto niyang iparating? Why is he calling me that? "That's all for today, class dismissed," pagpap

