Torn Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at mabilis na akong kumilos para makapunta sa hospital na sinasabi ni Kuya. He sent the exact location of the hospital that he was referring to on the call through a private message. Nang makita ko 'yon ay agad na akong kumilos. May nangyari kay Mama? Anong nangyari kay Mama? Is she okay? What happened while I was away? Sunod-sunod na tumakbo sa isipan ko ang mga tanong na 'yon nang dahil sa mga nangyayari. I couldn't help myself but to feel emotional because of thinking about her. Gusto kong pakalmahin ang sarili ko pero hindi ko magawa. Buti nalang ay may pera pa ako kaya ay nang may mapansin akong jeep na tumigil sa hindi kalayuan sa pwesto ko ay pinara ko na 'yon, at sumakay ako kaagad. Iniwan ko ang bike ko sa gilid ng kalsada na pinagta

