Chapter 2
"Ma, alis na ako!" pasigaw na sabi ko nang makababa ako sa hagdan. Nilinga-linga ko ang paningin ko at hindi ko nakita si Mama or kahit na si Kuya sa may sala.
Ang mga kwarto sa bahay namin ay located sa 2nd floor. Kwarto ko, kwarto ni Kuya at kwarto ni Mama. Yes, apat lang kami.
My dad left us when Kuya and I were still months old. Hindi sinabi ni Mama kung anong rason ni Papa bakit sya umalis pero naririnig ko na yung tungkol doon dati sa mga kapitbahay namin. Kahit sa mga kamag anak namin na pumupunta dito, since hindi naman maiiwasan na hindi nila 'yon pagusapan pag magkasama sila.
My father cheated with my mom's bestfriend. According to them, buntis palang si Mama sa amin ay alam na nila na nagloloko si Papa. Hindi nanggaling mismo kay Mama ang kwento tungkol doon kun'di sa mga tita ko at sa mga kapitbahay namin na nakakaalam ng nangyari.
She always avoids the topic kada tinatanong ko sya ng tungkol do'n.
I can't actually blame her if she chooses to ignore her past, especially pag tungkol doon.
Hindi lang isa ang nanloko sa kaniya kun'di pati na rin ang bestfriend nya. Double betrayal, double heartbreak.
I've never seen my father's face and even my mom's bestfriends' face pero hindi ko maintindihan kung bakit nagawa pa siyang ipagpalit ng papa ko.
Maganda ang mama ko. Hindi mo mahahalata na dalawa na ang anak niya dahil mukha pa rin s'yang dalaga. Porselena ang kutis niya at ang buhok niya ay mahaba na pakulot ang dulo. Dark brown ang kulay n'on at alam kong since birth ganoon na ang kulay ng buhok niya.
My grandfather, which is my mom's father is a Spanish at dahil doon kaya ganoon ang appearance ng mama ko. Even her eyes, she has Hazel Brown eyes na talagang nag s-stand out lalo na pag natatamaan iyon ng araw.
Halos parehas nga kami ng mga mata dahil iyon ang pinaka-namana ko sa kan'ya. Ang pinagkaiba lang ay mas light lang ang pagka-brown ng akin kaysa sa kan'ya.
Madami nga rin ang nagsasabi na kamukhang kamukha ko ang mama ko, mag-ayos lang daw ako. Ako lang itong hindi naniniwala. I don't know, my mom's too beautiful compared to my appearance.
Tyaka masyado akong manang kung manamit. Mas marunong pa nga pumorma si Mama kaysa sa akin.
"Wala si Mama, umalis. Namalengke ata," napalingon ako sa likod ko nang marinig na may magsalita. Nakita ko si Kuya na naka-short lang na naglalakad pababa ng hagdan.
Hindi ko naiwasan ang hindi mapangisi nang mapasadahan ko ng tingin ang katawan niya.
"Kahit kailan ka talaga, eh kung may pumasok dito sa bahay tapos makikitang ganyan yang itsura mo. Baka gahasain ka ng wala sa oras. Ang halay mo," masungit na sabi ko sa kaniya sabay ayos sa salamin ko na bahagyang tumagilid.
Bahagya akong nagulat nang bigla nyang hablutin ang salamin ko na 'yon nang tuluyan syang makababa sa hagdan.
"Hoy Kuya! Ano ba! Wala akong makita!" sigaw ko sa kan'ya dahil biglang lumabo ang paningin ko.
Hindi ko siya magawang maaninag kaya kahit gustong-gusto ko siyang sabunutan hanggang sa matanggal lahat ng buhok niya ay hindi ko rin magawa.
"Ayan, mas maganda. Kaysa puro ka reklamo dyan sa kung ano-anong nakikita mo." mapangasar na sabi nya pero binalik rin naman niya kaagad ang salamin ko.
Inayos-ayos niya pa yon na parang nangaasar pa sa akin habang ako naman ay matalim lang ang tingin na ipinupukol sa kaniya.
Hindi ko alam kung bakit ko naging kambal 'to. Ni hindi kami nagkasundo simula nung mga sanggol palang kami. Masyado siyang mapangasar tapos ako naman ay masyadong pikunin.
"Ano ba 'yan? Nagaaway nanaman ba kayong dalawa?" sabay kaming lumingon sa may bandang front door nang marinig ang mataray na boses na iyon ni Mama.
Nakita ko siyang may hawak-hawak na mga supot, mga pinalagyan siguro ng mga pinamili nya. Dali-dali naman akong kumilos para sana kuhain ang mga iyon sa kanya pero iniiwas niya 'yon sa akin.
"Wag na, ang Kuya mo na. Madumihan pa yang uniporme mo pag nadikit sa mga pinamili ko," pagsasaway n'ya sa akin. Tumabi naman ako sa gilid at nakita kong nginisian ako ni Kuya bago s'ya lumapit kay Mama.
"Yan kasi, masyadong pabida." nangaasar na sabi niya sabay kuha ng mga pinamili ni Mama. Tinarayan ko nalang sa at hindi na ako nagsalita pang muli.
Bahala siya dyan mang-asar, for sure pag ginantihan ko lang siya ay ako pa rin ang talo sa huli.
I stung my tongue out at him while he just threw daggers at me.
"May pera ka pa ba?" tanong ni Mama sa akin kaya napatingin ako sa kan'ya. Tumango tango naman ako at nakangiting hinalikan s'ya sa pisngi.
"Oh sya, umalis kana at baka maabutan ka pa ng ulan. Medyo makulimlim sa labas," sabi niya na s'yang tinanguan ko naman.
Dinilaan ko pa si Kuya bago ako tuluyang lumabas ng bahay. Napatingin agad ako sa langit at nakitang madilim nga ang mga ulap. Yeah right, I should get going bago pa ako pumasok na basang sisiw.
Inilabas ko na ang kulay itim kong bike at walang kaarte-arteng sumakay do'n kahit na nakapalda ako. Simula Elementary ako ay ito na ang ginagamit ko kada papasok ako sa School or 'di kaya ay may pupuntahan akong kung saan.
Hindi naman sya mahirap kahit na nakapalda, tyaka hindi rin naman ako maarte.
Mas gusto ko pang sumakay dito kaysa sa mga tricycle or mga jeep. Dito fresh pa ang hangin na malalaghap ko, hindi kagaya sa mga ganoong klaseng transportasyon na maha-haggard ka muna bago ka makapasok sa school.
Iba't ibang amoy pa ang malalanghap mo sa loob.
Medyo binilisan ko pa ang ginagawa kong pag-pedal hindi gaya sa natural na pag-pedal ko. Baka abutan pa ako ng ulan kung mag iinarte pa ako sa pag padyak kaya ang inisip ko nalang ay kung paano makakarating sa school agad agad.
Library books here I come!