No Turning Back "What?" gulat na tanong ni Audrey sa akin nang marinig ang sinabi ko. Kitang-kita ko ang nanlalaki niyang mga mata na talagang nagsasabi na hindi niya inaasahan ang mga salitang lumabas sa bibig ko. Nanatili akong nakatitig sa kaniya nang mga oras na 'yon para iparating na hindi ako nagbibiro. She also stared back at me with her wide eyes and her half-opened mouth. "You told me that I can request anything in return if I consider your favor, right?" pagkukumpirma ko. Nagtataka man ay dahan-dahan siyang tumango sa akin. I gulped and pinched myself on my legs. This is now or never. "Y-yes, nasabi ko nga. Pero 'di ba ayaw mo? Kaya hindi ko na pinipilit sa 'yo? Why the change of heart so suddenly?" sunod-sunod na tanong niya sa akin habang nakakunot ang noo niya. I clos

