Stole Back Gaya nga ng sinabi niya ay siya na ang nagsampay no'n. Hindi ko siya binalingan ng tingin no'ng nasa gilid ko palang siya. I waited for him to walk past me and that was the only moment I looked at him. Sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad siya hawak-hawak ang uniporme niyang basa na nasa isang hanger. He's only wearing a gray sweat pants and his broad shoulders and chest are all exposed. Nakayapak lang din siya nang mga oras na 'yon which is okay since the whole floor of his room has a mat. T'yaka ko lang napansin na may balcony pala sa mismong kwarto niya nang hawiin niya ang malaking kurtina na nasa harapan namin. Bumungad sa aming dalawa ang sliding glass door na natatakpan lang pala kanina pa. Nilapitan niya 'yon at gamit ang isang bakanteng kamay niya ay b

