Maagang tumatakbo si Ava Summer sa isang quadrangle ng Regal Heights Subdivision na kanyang tinitirhan ngayon, nang tumunog ang kanyang cellphone.
“YES, GOOD MORNING!” sagot ni Ava sa kabilang linya.
“GOOD MORNING PO MA’AM AVA!”..pambungad na bati ni Tanya kay Ava.
“Oh! TANYA!” Anong meron?
“KAYO PO ANG NAATASANG MAG.INTERVIEW KAY MR. KNIGHT MAMAYA”, dugtong nang kanyang secretary.
“WHAT?!” nagulat siya sa paalala nang secretay sa kanya.
“OH MY! OO NGA PALA!”, muntik na niyang nakalimutan malaking event pa naman ito at kailangang paghandaan!
“THANK YOU TANYA”, pagsang-ayon ni Ava sa paalala ni Tanya.
Last week pa sinabi nang admin na siya ang nakatokang mag-interbyu sa isang prominenteng tao. Di lang isang mysteryosong business tycon ang haharapin niya mamaya kundi isa itong pinakasikat na namayagpag sa larangan nang industriya at may-ari nang kabilang station. Hindi pa niya na-meet nang personal ang isang bilyonaryong si ALEXANDER KNIGHT nang diamond group of company. Kailangan niyang ma-feature ang buhay nito. Tinuturing nila itong big shots! Hindi basta-basta magpa- interbyu si Alexander Knight! Marami nang imbitasyon nila na palaging tinatanggihan nito dahil sobrang busy ito at napaka pribado ang buhay ng bilyonaryo.
“GWAPO KAYA ITO?” Kinikilig si Ava sa kanyang naiisip. Sabi nang kanyang head na binata pa raw pero masungit!
Excited pero kinabahan din siya mamaya,
“KAILANGAN PAGHANDAAN KONG MABUTI ANG AKING SARILI PARA WALANG PALYA”, ganun siya ka seryoso sa kanyang trabaho.
Ito na ang kanyang magandang pagkakataon na malaman kung sino ba talaga si Mr. Alexander Knight. Ano ang mundo na ginagalawan niya. Siguradong magustuhan ang kanyang features ng mga manonood. Marami kasi ang naiintriga nitong misteryosong business tycon.
Walang ideya si Ava na ito pala ang magpapagulong ng kanyang dramatic na buhay!
Sa tanggapan nang batikang mamamahayag, handa na ang mga kagamitan para sa inaabangang panayam sa isang bilyonaryong businessman, isang oras pa lamang bago ang panayam. Handa na rin si Ava na napakaganda at elegante sa kanyang kasuotang puting one-sleeve gown na tinernuhan niya nang mamahaling jewelries at puting high-end white high heeled shoes. Napaka ganda niya na animo’y isang modelo ang rarampa sa entablado.
Maraming nagsabi kay Ava na sana’y nag-aartista nalang o nagmomodelo siya, pero mas gusto niya ang pagiging mamamahayag. Mahal niya ang trabaho niya na kahit lumago na ang kanilang negosyo at mayaman ang kanyang pamilya, hindi pa rin niya iniwan ito..
Nang pumasok si Ava sa makinis, modernong matatayog na gusaling pinamugaran nang Alexander’s empire, di siya mapakali, parang libu-libung paru-paru ang lumilipad sa kaniyang tiyan, at ang buong paligid ay parang naubusan nang hangin sa tensyon lalo na nang bumukas ang napakagarang pinto nang silid kung saan prominenteng nakaupo ang isang Alexander Knight sa kanyang magarang swivel chair. Kahit nakatalikod ito makikita pa rin sa kanyang awra ang kapangyarihan at misteryo.
Sumenyas ang isang camera man bilang hudyat nang paggalaw nang camera sa loob nang magarbong opisina ni Alexander Knight. Nag-inhale exhale muna si Ava para maibsan ang kaba sa kanyang dibdib, na di niya mawari kung bakit, bago tumikhim para malaman nang business tycon ang kanyang presensiya.
Humarap muna si Ava sa camera para magbigay nang pambungad na pagbati sa mga manonood ngayon. Sigurado siyang marami ang nkaabang sa kaniyang programa ngayon dahil marami ang curious sa buhay nang isang misteryosong Alexander Knight.
Pagkatapos ay binalingan ni Ava ang nakatalikod na CEO na ngayon ay nkaharap na pala at nakikinig sa kanyang introduksiyon. Laking gulat niya nang makilala ang prominenteng tao na kaharap niya ngayon, halos mapasigaw siyang nasambit ang pangalan nito.
“ALEX?!,
Nagulat din ang taong kaharap niya, di ito makahuma nang makilala ang isang napaka sexy na hosteporter na nag-iisang pinayagan niya para magpa-interbyu.
“YOU ARE AVA SUMMER?! tanong ni Alex na hindi naisabigkas, nalito siya at sinarili na lamang ang katanungan dahil nagsimula nang gumulong ang nakatutok na camera.
Ngayon lamang naisip ni Alex na ang babaeng nakatagpo niya sa FATE BRIDGE na si AVA ay isa palang AVA SUMMER na sikat na mamamahayag.
Tinawanan lamang siya noon ni Ava nang tinanong niya ito kung celebrity ba siya. Sumagot lang nang I’m “AVA”, pilya rin ito biglang kinuha ang susi, nagthank you at tumakbo palayo. Hindi na niya hinabol at napatawa nalang siyang naiwan sa ere. Sinabi rin naman niyang Alex ang kanyang pangalan pero di rin niya ibinigay ang buong pagkakilanlan.
Natauhan silang dalawa nang pumalakpak ang mga manonood sa set.
Biglang nkabawi si Ava at pilit niyang pinanatili ang ambience nang silid, wala siyang magawa kundi tapusin ang kaniyang show ngayon na parang walang nangyari.
“SANA WALANG NAKAHALATA” lihim na dasal niya.
Samantalang si Alex ay nahimigan niya ang inakto Ava at nagpatianod nalang sa kung ano ang agos nang show ngayon. Magalang siyang sumagot sa mga katanungan na inihanda nang napakagandang host.
Di niya maiwasang tumingin sa maamo nitong mukha at nangungusap na mga mata.
Nang napatingin siya sa cleavage nito na di naman masyadong nkaluwa, lalong uminit ang kaniyang katawan. Ibinaling na lamang niya ang kanyang isip sa mga tanong na ipinukol sa kanya.
Lalong humahanga ang mga manonood kay Ava Summer lalo na ang buong production. Napakagaling talaga ni Ava sa ganung segment. Walang kurap ang mga nanood sa set at tahimik na nakikinig sa bawat sagot nang isang matikas at gwapong interviewee.
Lalong umiinit ang studio nang tanungin ni Ava si Alex tungkol sa kanyang special someone sa buhay, tinawanan lamang ito at napaka clever nang naging tugon. Kinabahan si Alex sa tanong pero naagapan niya at nakaisip nang kapilyuhang sagot na di halata dahil nakafocus lang ang lahat sa kanyang mukha, magandang biro lang ang dating nito sa manonood at di alam ang tunay niyang ipinahiwatig.
Aniya, “PAGKATAPOS NG GABING ITO, TILA MAHAHANAP KO NA ANG AKING SPECIAL SOMEONE.” sabay tawa
Kinikilig pa ang mga manonood. Marami ang mag-aaplay kung sakali.
Minsan pang sinubok ni Ava ang kakayahan nang business tycon na ito pero napakahusay itong sumagot. Batid nito ang kanyang intensiyon at may pakindat pang nalalaman habang rumesponde sa kanyang mga tanong.
Kahanga-hanga pala talaga ito. Kahit siya ay di makapaniwala sa galing nito kaya siguro namayagpag na kahit bata pa.
Nag-iba naman ang kaniyang pananaw dito kumpara sa unang tagpo nila. Itinuring na niya ito minsan na isang kaaway. Iwan ba niya bakit kumukulo talaga ang dugo niya rito sa unang kita pa lamang nila. Pero napagtanto niyang kahanga-hanga pala ang buhay nito sa kabila nang kanyang kasikatan.
Panghuling tinanong ni Ava ay ang tungkol sa issue nang kabilang network na pagmamay-ari nito na itinuturing nang marami na karibal sa kasalukuyang industriya na naghanda nang panayam ngunit maagap pa rin niya itong sinagot.
Belib na belib ang mga nanonood sa katalinuhan nang dalawang tao na nagpapalitan nang kani-kanilang pahayag. “Napakahusay nang mga sagot!”, sabi nang manonood. Walang magpapatalo sa kanila.
Sa kabilang banda, ang mga nanonood ay kinikilig at nagdaydreaming din sa hot na CEO lalo na sa mga kadalagahan!
May nagcomment: “Napakaswerte nang mapapangasawa nitong napakagwapo, matipuno at higit sa lahat ubod nang yaman!”
“Akin ka nalang!” biglang may napasigaw. Kinawayan lang ni Alexander.
“So hot!” At marami pang iba!
Natapos ang segment na npakalinis. Mas marami ang mga katanungan kaysa sagot pero masaya ang lahat maliban sa host na kanina pa pilit ang tawa at mga kinikilos. Nababalisa ito.
Di niya mapigilan ang pagkabog nang kanyang puso na kanina pa niya gusto pukpukin. Kahit anong iwas niya nahipnotismo talaga siya sa mga ngiti ni Alexander.
Hindi alam ni Ava na nang dahil sa pagsisisid niya nang katotohanan, ito ang siyang susubok sa kanyang katapatan, paghusga at renda nang kanyang puso.