Chapter 2

2003 Words
Julie Pearl POV Nagmamadali akong nagtipa sa notepad ko habang papalabas ako ng building. Kailangan kung makaalis agad dito para isubmit ang report na ginawa ko. Hindi lang basta basta ang nalaman kung impormasyon. "I can't believe this! Pinatulan talaga niya yung may asawa na?" hindi ko makapaniwalang anas. Si Mazy Swiss ay isa ding actress na sumikat dahil sa galing nito sa pag-arte kung tutuusin ay magkaedad lang ang ate ko at si Mazy. Hindi lang yun may asawa na din ito kaya sobra sobra na lang ang gulat ko sa nakita't narinig ko. Inilagay ko sa bag ko ang notepad ko nang matapos ko ng ilagay ang impormasyon na nakalap ko. Ang kailangan ko na lang ay makaalis na dito ngayon. Hindi pwedeng magtagal pa ako dito. Mabibilis ang lakad ko dahil baka mahabol ako edi purnada na din ang news na ikakalap ko. "Youu! Stop right there!" nanlalaki ang mga mata ko na tumingin sa likod ko. s**t nahabol niya pa ako?! Walang ano ano na tumakbo ako kahit pa naka heels ako. Paniguradong sasakit ang paa ko ng dahil dito. Bakit ba kasi ako nag heels kung mapapasabak pala ako sa takbuhan hindi man lang kasi ako nainform na ganito pala ang mangyayari sa akin. "Sabing tumigil ka eh!" hinigit niya ang braso ko sabay iniharap sa kanya. Nanlalaki man ang mga mata ko pero agad din akong umayos hindi pwedeng makitaan ako ng kahit anong pangamba. "Ano ba bitawan mo nga ako!" sigaw ko sa kanya pero hindi ito nakinig sa akin mas humigpit pa nga ang pagkakahawak niya sa akin konti na lang baka mababali na ang braso ko sa higpit ng pagkakahawak niya. "Anong nakita at narinig mo?!" mariin niyang tanong sa akin. Tinabig ko naman ang kamay nitong nakahawak sa braso ko masakit na kasi ang braso ko eh. "Wala kang pakialam kung may narinig ba ako o wala!" sigaw ko bago naglakad papaalis. Hindi pwedeng mahuli na lang ako ng ganito. Imbis na umalis ako ay nagtungo ako agad sa hall kung saan ginaganap ang event. Mas mabuting pumunta muna ako dito para maligaw ko siya bago ako umalis ng hotel. Lumiko ako at nakita ko na agad ang madaming tao na halatang hinahanap pa rin si Ash. Tumikhim muna ako bago naglakad ng normal pero hindi pa ako nakakalayo ng may humigit sa bewang ko. "Reporter ka diba? Well I will not let you to write  an article of what you have saw earlier." tumaas ang balahibo ko sa sinabi niya. "Is that, Ash Vladimir?" "Who's that girl?" "Yan ba yung girlfriend niya?" "Wait... diba reporter siya?" Nag-umpisa ng magbulong-bulungan ang mga tao kung bulong nga na makatatawag yun dahil sa amin na agad nakatuon ang pansin ng lahat ng guest dito. Hinawakan ko ang kamay nito sa bewang ko at pilit ko iyong tinanggal. "Wag ka ng magsayang ng pagod mo hindi kita papakawalan." bulong niya sa akin habang nakangiti sa mga guest na nakakakita sa amin ngayon. "Ano bang ginagawa mo?!" mahina ngunit mariin kung sabi sa kanya. Pinilit ko ding lumayo sa kanya pero hindi niya ako hinayaan na kumawala sa kaya. Yung totoo may sabakal ba tong lalaking to bakit hindi ako makawala wala sa kanya ngayon? "I told you, I will not let you to ruin my life and my relationship." nakangiti ito sa mga guest na nasa harapan namin hindi kalaunan ay hinila niya ako papunta sa stage. "Anong gagawin niya?" "Don't tell me he's going to announce their relationship?" napatingin naman ako sa babaeng nagsabi nun. Doon lang pumasok sa utak ko ang ginagawa ng lalaking to. Wag mong sabihing gagawin niya nga yun? "Sinisira mo na yung career mo dahil dito!" bulong ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin pero agad akong umiwas dahil madaming nakatingin sa amin. Infact nasa stage pa kami at talagang kami ang sentro ng attraction! "Hindi gaanong masisira ang career ko kung ipapakilala kitang girlfriend ko. Mas masisira ako kung inilabas mo ang news na yun." kinuha niya ang mic sa emcee at humarap siya sa madaming tao. "I know you have wanted to know who is my girlfriend and I can't introduce her to all of you because I'm too scared to lose my career but I realize that, that most scaring thing will happen to me is to lose my person. I know this will shock you but I made up my mind." lumapit sa akin si Ash at hinawakan ang kamay ko inangat niya pa iyon para makita ng mga guest. "She's my person, She gave me all the love I never imagine before. She gave me the light that I need when I'm so down and ready to give up. She's a reporter who snatch my heart, Julie Pearl Bucsit." Natuod ako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi niya. Alam niya ang pangalan ko pero paano? Gusto ko na lang nalamunin ako ng sahig dahil sa mga matang nakatingin sa akon grabe himala ata na buhay pa ako ngayon sa paraan ng pagtingin ng ibang tao sa akin. Huhuhu bakit humantong tayo sa ganito? Hindi naman ito ang pinangarap kung mangyari sa buhay pag-ibig ko eh lord naman ehhh huhuhu! "What the hell?!" na anas ko na lang dahil sa pagka speechless.  Nagpapasalamat ako sa sarili ko dahil mahina lang iyon dahil kung hindi mas malala ang mangyayari kinabukasan tapos headline. Girlfriend ni Ash Vladimir ay nag mura sa harapan ng stage. Oh diba edi sabog na ako pagnagkataon na napalakas ang boses ko. "Let's go!" sabi niya bago ako hinila papaalis ng stage. Madaming humarang sa amin para mag tanong pero agad naman silang nagbibigay ng daan para makadaan kami. Dinala niya ako sa parking lot at pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse. "Sakay." tipit nitong utos sa akin. "Bakit ko naman gagawin yun?" tinaasan ko pa siya ng kilay. Napurnada na nga yung gagawin kung news tapos papasakayin niya pa ako sa loob? "Sasakay ka o gusto mong habulin ka ng mga kagaya mong reporter?" dahil sa sinabi niya ay agad akong pumasok sa kotse nito. Mahirap ang maging reporter pero mas mahirap ang maging laman ng article dahil sa lalaking to hindi ko gustong sumikat sa ganitong paraan no kahit papaano. "Nababaliw kana ba?!" singhal ko sa kanya ng makapasok siya sa kotse nito. "Bakit mo yun ginawa?!" late reaction ako pero ito ang tamang oras na singhalan siya dahil nasa loob ba kami ng kotse. Tinignan niya lang ako saglit pagkatapos ay binuhay na niya ang makina ng kotse nito. "Hindi ako baliw... ginawa ko yun para hindi mo masabi sa buong mundo kung sino ang karelasyon ko. Hindi ko alam kung anong ginawa mo para makapasok sa event pero hindi ko hahayaan na ilabas mo yung matagal ko ng nililihim." Napa woah ako ng malakas sa sinabi niya pumalakpak din ako habang nakatingin sa kanya grabe napaka galing pala ng taong to. "Bravo! Bravo! Ang galing mo... so ano buhay ko naman ang masisira dahil sa ginawa mo? Alam mo kasalanan mo yan eh bakit ka ba nakipagrelasyon sa may asawa na? Tapos ano takot kang malaman ng lahat na kabit ka?" "Yan ang hirap sa inyong mga reporter nanghihimasok kayo ng mga buhay namin. Para ano? Para may magandang ibalita lang kayo na makakasira naman sa amin? You don't even care about others privacy." natawa naman ako sa sinabi niya. "Bakit ka pa nag artista kung gusto mo din naman pala ng privacy? Showbiz is a showbiz, talagang maghahanap sila ng ikakasikat at ikakasira mo. That's how life is, kung ayaw mo din naman palang napapakialaman yan PRIVACY mo bakit hindi ka na lang mag quit?" mag cross arm pa ako at sumandal sa passenger seat. "Wala kang alam sa pahihirap ko para lang maabot ko itong pangarap ko. You better keep your mouth shut before I kick you out here in my car." "Oh my goshh! Natatakot na ako! Pwes para sabihin ko sayo hindi ako natatakot sa mga banta mo. Itigil mo tong kotse bababa ako!" utos ko sa kanya pero hindi man lang ito nakinig. "Sa bahay ka namin uuwi ngayon. Reporter ka diba? I'm sure nasa bahay niyo na sila at sa condo ko. Wag kang mag-alala hindi nila alam ang bahay ng mga magulang ko kaya doon ka muna." nanlalaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. "At bakit ko naman gagawin yun? Hoy para sabihin ko sayo virgin pa ako at wala pa ni kahit na sino ang nakahawak sa bewang ko! Kaya pagbabayaran mo yung paghawak mo sa akin kanina!" Mabilis naman niya ako sinulyapan mula ulo hanggang paa kaya tinakpan ko ang dibdib ko. "As if naman gusto kitang hawakan para sabihin ko sayo naramdaman ko pa kanina yang bilbil mo sa tyan. Wag kang mag-alala kahit na maghubad ka pa sa harapan ko hindi ko pagkakaintiresan yang katawan mo." napatanga naman ako sa sinabi nito. "Whhaa!! I can't believe this!" sigaw ko dahil sa frustrasyon. Nalaman ko nga kung sino ang jowa nito pero ang kinalabasan ako pa yung naging jowa sa mata ng mga tao. Anong gagawin ko ngayon? Mag didisguise na din ba ako para hindi lang nila ako makilala? Magsasalita na sana ako ng maramdaman kung nag vivibrate ang cellphone ko. Agad ko iyong tinignan at halos may fifty miscall si Sir Roland sa akin habang si Nanay at Tatay naman ay may ninety six message. Napahilot na lang ako sa sintido ko. Binasa ko ang message ni Tatay sa akin sabi niya ay may mga reporter daw sa labas ng bahay at hindi sila makalabas labas. Nagreply na lang ako kay tatay na ok lang ako at hindi na muna ako uuwi bahala na sila sa buhay nila mabubuhay naman sila kasi wala ako doon well hindi naman sila mamamatay kung nandon ako dudumugin nga lang. Sinabihan ko din silang wag munang lalabas hangga't hindi dumadating si Sir Roland. Nag bigay na din ako ng mensahe kay Sir Roland na magpapaliwanag ako sa kanya bukas. Sana lang nakatakas ako dahil kung hindi nganga kaming lahat. Sana lang ay maniwala sila sa sasabihin ko alam naman nila kung gaano ko kagustong magkaroon ng boyfriend. "Nandito na tayo." nabalik ako sa realidad ng marinig ko ang boses niya. Bago pa ako makalingon sa kanya ay nakababa na ito sa kotse niya at dire-diretsyong pumasok sa isang mansion. "Napaka-ignorante hindi man lang ako pinagbuksan ng pintuan! Sinabihan pa naman ako girlfriend sa harap ng maraming tao pero wala man lang ka gentle gentleman ang loko." nakasimangot akong bumaba ng kotse niya. Sumunod agad ako sa kanya at nakita ko itong nakaupo sa sala habang nanonood ng tv. Tinignan ko naman ang pinapanood nito kulang na lang ay magduwal ako dahil sa nakita ko. May mga video pala na kinuha ang ibang guest at talagang kalat na kalat na sa social media ang ginawa ng lalaking to. "Sabihin mo nga sa akin kung ano plano mo?! Bakit bilag-bigla mo na lang akong pinakilalang girlfriend mo?!" nang-gigigil naman ako sa galit dahil hindi man lang niya ako nagawang tignan. Sisinghalan ko na sana siya ng tumunog ang cellphone nito. Mabilis naman niya yung sinagot at tuluyan na akong natahimik. "Hey honey, yeah she's here don't worry hindi siya magsasalita tungkol sa atin. Ok...take care hon." ani nito bago binaba ang tawag. "Ok take care hon." pang gagaya ko sa boses nito. "Napaka arte naman nitong lalaking to." bulong ko. "Anong sabi mo?" bumaling siya sa akin kaya naman nginitian ko siya ng mapakla. "Ang sabi ko ang arte-arte mo palibhasa kabit ka lang." para naman itong napagbagsakan ng langit at lupa dahil sa sinabi ko. Babawiin ko na sana ang sinabi ko pero nagsalita ito. "Sorry ah kung naging kabit ako. Nagmahal lang kasi ako sa taong may asawa na." ani nito bago umakyat papanhik sa ikalawang palapag. "Naging harsh na ba ako masyado? Hindi naman siguro...pero nasaktan siya well totoo naman yun kaya wag kang ma guilty self." Naguilty ako bakit ba kasi wala pang nagpapatibok ng puso ko ayan tuloy wala akong kaalam alam sa buhay pag-ibig!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD