MADALING-ARAW pa lang ay nasa airport na si Izaria kasama si Shelly. Sumama rin si Virna para masaksihan nito ng pag-alis nila. Si Ivan ang naghatid sa kanila sa airport. Hindi na talaga nagbago ang disisyon niya. Tuloy na tuloy ang paglipad nila ni Shelly. Mainam na iyon para sa kaniya kaysa masilayan niya ang pag-iisang dibdib nina Rainan at Cheska. Hindi man niya makikita ngunit malawak ang social media. “Mamimis kita nang sobra,” malungkot na wika ni Virna, yumakap sa kaniya. “Ako rin, besh. Hayaan mo, magcha-chat ako kaagad kapag nakarating na ako. Pakisabi na lang kay Tata Arman na umalis na ako at pasensiya 'ka mo kasi hindi na ako nakapagpaalam sa kaniya,” aniya kay Virna. “Maiintindihan ni Tata Arman iyon. Pero sige sasabihin ko kapag nagkita kami. Basta promise mo, hindi mo

