Chapter 47

2146 Words

NAGISING si Izaria na nasa gilid ng kama niya si Virna. Nakatulog pa ito. Dahan-dahan siyang bumaba ng kama para hindi ito magising. Namumukto ang mga mata niya. Buong gabi niyang iniyak nang iniyak ang lungkot at sakit na nararanasan niya. Tuwing maaalala niya ang buhay na nasa sinapupunan niya ay kumikintal ang sakit na naunuot sa puso niya. Nasasaktan lang siyang isipin na mag-isa na lamang niyang harapin ang buhay kasama ang magiging anak. Pero ni minsan ay hindi niya naisipang pagbantaan ang buhay na nasa kaniyang sinapupunan. Inisa-isa niyang hinawakan at tinititigan ang mga painting na may ugnayan kay Rainan. Pakiramdam niya’y piniga nang husto ang lakas niya at pinagkaitan ng tadhana. Napakatamlay ng kilos niya at halos bumigay ang katawan niya. Hindi siya makapag-isip nang maayo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD