CHAPTER 2

1317 Words
KINABUKASAN, bumibyahe si Maverick patungong eskwelahan at iyon ang unang beses na kasama niya ang kanyang kapatid na si Vira. Nakisabay kasi ito sa kanya dahil hindi na ito inihahatid sundo ng boyfriend nito matapos makipagbreak dito ang dalaga dahil daw naabutan nitong may kahalikang ibang babae ang nobyo sa likod ng building nila. “I can’t believe that Marcus betrayed you, sa ganda mong ‘yan!” galit na untag ni Maverick. Hindi siya nagbibiro dahil totoong maganda ito at marami ang lalaking nagkakandarapa dito noon bago nito makilala ang gagong Marcus na ‘yun. Natawa na lang si Vira at napabuntong hininga. “Well, I guess mahal nila ang isa’t isa. Base narin sa inamin ni Marcus na noon pa nila ako niloloko.” Natahimik lang si Maverick, wala naman kasi siyang alam sa ‘love’. Mas naunahan pa nga siya nitong magkaroon ng karelasyon. Dahil wala pa naman sa isipan niya ang bagay na iyon. Panay lang ang focus niya sa pangarap niyang magdoktor. Isang taon nalang at magiging ganap na doktor na siya. Balak din niyang magtayo ng sariling ospital habang kinukuha niya ang residential. “Tanong ko lang,” aniya. “Hm?” “Bakit parang hindi naman yata kita nakitang umiyak o nagmukmok sa buong araw mula nung magbreak kayo? I thought love can be painful when you are hurt by someone.” Natawa lang ito na kinunutan niya ng noo. “I don’t know. Maybe, I was wrong for choosing him. Ang akala ko kasi siya na.” Nang lingonin niya ito ay nakitaan niya ito ng lungkot sa mga mata kahit na nakangiti. “Nagkamali lang siguro ako sa naramdaman ko sa kanya.” Dalawang taon ang agwat ng edad niya kay Vira. Nag-aaral ito sa kursong Business Aministration. Iisa ang paaralan nila ngunit malayo ang college of medicine sa campus ng mga ito. Inihinto niya ang kotse sa tapat ng malaking gate ng campus nito nang makarating sila. “Thanks, kuya.” anito nang makalabas sa sasakyan at magpaalam. Tumango siya. Napapailing siya habang sinusundan ng tingin ang kapatid na naglalakad papasok sa gate. Hindi niya akalaing maloloko parin ng isang lalaki ang kapatid niya kahit na halos perpekto na ito dahil lahat ay narito na. Sabagay, hindi pa naman niya alam kung anong ‘love’ ang sinasabi nila at maiintindihan lang niya iyon kung naroon na siya sa ganoong sitwasyon. At ang sabi nga nila, ang pag-ibig ay walang pinipiling tao at panahon. At mas wala itong pinipiling mukha at estado ng buhay. Jeez. Ba’t ko ba ito iniisip? Nasagi tuloy sa utak niya ang sandaling makabungguan niya ang isang babaeng werdo. Muntik na siyang mawala sa sarili nang magpakarga ito papuntang ospital, akala mo naman paa ang may pinsala. Pero wala na siyang nagawa nang bigla itong magsisigaw na ikinataranta niya dahil nakakaabala na sila sa ibang mga sasakyan. At nang kargahin niya ito ay bigla nalang siyang nakadama ng pagkalito. Damn! First time niyang magpangko ng babaeng naka-mini skirt at damang dama niya ang hita nito at ang pwetan nito! Mabuti na nga lang at nagpababa na ito. Baka biglang nahiya sa kaartehan nito. Buti nalang at nangibabaw ang inis niya dahil muntikan nang sumikip ang kanyang pantalon dahil sa naramdaman niyang iyon. Nakadagdag din sa pagpawi niyon ang kakatwang kotse nito na para sa kanya ay dapat nang ibenta sa junk shop o di kaya ay itapon. Hindi siya makapaniwalang may gumagamit pa sa ganoong sira sirang kotse. At sa kamalasan nga, sa halip na siya ang bayaran nito sa damage ng likuran ng kanyang kotse ay siya pa ang nagdala nito sa ospital at nagbayad ng bill nito! Kung hindi lang dahil sa leeg nito ay baka pinatulan na niya ito. Nagmaneho na siya patungo sa kanilang paaralan. At habang bumababa sa kanyang sasakyan, natagpuan na lang niya ang kanyang sariling nakangiti nang maalala ang sinabi nito. “Are you deaf? Bulag ka ba?” Hahaha, obob! Hindi niya alam na humagalpak na siya nang tawa at natigilan lang nang nakakunot ang noo ng guard na nakakita sa kanya. Sumeryoso siya at tumikhim saka pumasok na sa gate na akala mo walang nangyari. SAMANTALA... Paalis na naman si Anastacia patungong bar sa Malate na kanyang pinapasukan bilang waitress. Mas pinili nalang niyang mag-taxi dahil idinespatya na niya ang kotse sa kaibigang intsik at na ikinatuwa naman ng kanyang ina dahil palagi itong nag-aalala sa kanya dahil sa posibilidad na maaksidente siya sa kotseng iyon. Kahit ayaw siyang payagan ng kanyang ina na magtrabaho sa araw na iyon ay pinilit parin niyang pumasok kahit na hindi pa ganoon kagaling ang leeg niya. Sayang kasi ang kita at maiintindihan din iyon ng kaibigan niyang si Melody dahil alam nitong siya lang ang bumubuhay sa kanilang pamilya. Siya rin kasi ang nagpapaaral sa kanyang kapatid na si Analiza. At kahit na may buwanang palabada ang kanyang ina ay hindi parin iyon sapat. Naaawa nga siya rito dahil pagod ito sa pinagsamang labada, paglilinis ng bahay at pagluluto para sa kanila. Ilang beses niya itong pinigilang kumuha ng labada pero hindi niya ito mapilit. Siguro kung maaga lang siyang nakapag-aral at nakapagtapos ng kolehiyo ay marahil na maganda ang kanyang trabaho at di siya magtitiis sa bar na iyon. Kaso maaga ring namatay ang tatay niyang si Mang Roque na ang trabaho lang ay ang paghawak at pagpapalaban ng manok na ginaganap sa malaking gusali ng pasabungan. Dito rin nito nakilala ang naging amo rin nitong si Gustavo na may-ari din ng pasabungan. Naisipan ng kanyang ama na ipaasawa siya roon dahil sa tingin nito ay iyon ang makakapag-ahon sa kanila sa hirap. Ngunit dininig yata ang kanyang panalangin na huwag matuloy ang kasal niya sa mukhang tuko na iyon, iyon nga lang kapalit niyon ang kanyang ama dahil namatay ito habang nasa sabungan at inatake sa puso. NATIGIL ang kanyang pagmuni-muni habang sakay parin ng taxi na nakatengga dahil sa bwesit na traffic, nang matanaw niya ang pamilyar na kotseng itim na tumigil sa isang parking lot sa tapat ng isang paaralan. Tama! Siya nga iyon! Ang yupi sa likuran ng kotse ang patunay niyon. Kahit pinaayos na iyon ay halata parin ang damage ng sasakyan. At mas lalo niyang nakomperma iyon nang lumabas ang lalaking naka-uniporme at naglalakad na papasok sa gate. Inutusan na muna niya ang driver ng taxi na itabi ang sasakyan saka siya nagmadaling lumabas upang sundan ang lalaki. Kailangan niyang pasalamatan ito dahil hindi niya iyon nagawa noon dahil nangibabaw ang inis niya sa araw na iyon pero ang totoo, wala naman itong kasalanan kung bakit siya nagkaganoon. Kung tutuusin, siya pa nga ang may atraso dito. Nagmadali siyang tinungo ang gate at akmang papasok nang harangan kaagad siya ng security. “Mam, bawal po ang outsider dito.” anito at pinasadahan siya ng tingin. Huminto ang titig nito sa cleavage niya kaya tumaas ang kilay niya. Bastos! Nasa trenta mahigit na yata ang edad nito, maitim at pango ang ilong. Hindi naman sa namimintas siya pero iyon ang totoo. Mabuti na lamang at naka-uniform ito kundi ay magmumukha itong mangingisdang babad sa dagat. “Hoy, mama’, hindi ako outsider, no!” mataray na turan niya dito. “Kailangan ko lang kausapin iyong lalaking kakapasok lang kanina.” Pasimple niyang tinakpan ang kanyang dibdib dahil hindi man lang naalis ang mata nito doon. “Eh mam, hindi po pwede. Kung may-roon po sana kayong ID.” Sunod naman nitong ibinaba ang tingin sa mga hita niya. Maiksi kasi ang suot niya, siyempre alangan namang magbistida siya sa bar. Para siyang mauupos na kandila sa malaswang titig nito kaya lihim niya itong minura. “Wala akong ID eh.” nakasimangot na sabi niya. “Pasensya na mam, ‘NO ID, NO ENTRY’ po dito.” Wala siyang nagawa kundi ang padabog na tinalikuran ito. Tumayo muna siya sa tabi at nag-isip. Ting!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD