“Nakakapagod palang makipag titigan kay Mark. Parang inuubos niya ang lakas ko!” bulalas ko nang nakapasok na sa restroom. Nag-retouch pa ako matapos umihi kaya medyo nagtagal pa ako sa loob. Paglabas ko pa lang sa restroom ay may narinig na akong mga ingay na galing sa balcony. Maglalakad na sana ako doon pero napatigil dahil sa dalawang tao na mukhang madaling madali sa paglalakad. Nakilala ko agad ang likuran nina Mau at Larwin Ross. Nakahawak ito sa kamay ni Mau at hinila nito si Mau sa restroom ng mga lalaki! Umawang ang bibig ko nang mapagtanto na pumasok silang dalawa sa loob. What the hell are they going to do inside? Dahil sobrang curious ako ay naglakad pa ako palapit doon at pinakinggan ang nasa loob. Ilang sandali pa ay narinig ko na ang mga boses nilang dalawa sa loob. Mu

