Tapos na ang wedding ceremony at nasa ballroom na kami ni Mark pero saglit na lumabas si Mark para tawagan si Larwin Ross. Nakita kasi namin silang dalawa ni Mau na umalis na bago pa lang matapos ang kasal. Napapaisip tuloy ako kung ano ang nangyari sa kanilang dalawa. “What happened?” agad na tanong ko kay Mark nang bumalik siya dito sa loob at tabihan ako. “Naaksidente ang tatay ni Mau,” sagot ni Mark at kumunot ang noo. Umawang ang bibig ko dahil sa gulat sa ibinalita niya. “So, that’s the reason why they left right away? Babalik na sila sa Manila o sa Bulacan pa?” tuloy-tuloy na usisa ko. “Sa Maynila na siguro dahil doon na raw dinala dahil hindi tinanggap sa mga ospital sa Bulacan,” seryosong sagot niya. Mas lalo akong napasinghap. “Is her Dad in a critical condition?” hindi ko m

