“How about the HVAC system? Kung ayos lang sa kliyente na ganyan ay i-re-report ko na lang kay Bossing.” Nag-angat ako ng tingin kay Mark matapos marinig ang tanong niya. Patapos na ang meeting namin at mamaya lang ay pupunta kami sa site para personal na makita ang development ng building. Mabibilis gumawa ang mga bagong tauhan na nakuha ni Mark kaya kahit ang kliyente ay tuwang-tuwa dahil mukhang aabot talaga sa deadline ang project na ginagawa namin. “I chose a complex HVAC system for this project. Mukhang wala namang problema sa kliyente ang magiging maintenance at possible electricity bills. But if we can use more energy-efficient components then I can relay that to the client,” diretsong sagot ko habang sinasalubong ang tingin ni Mark. Tumango siya at saka nagtagal na naman ang ti

