Pagtunog pa lang ng doorbell sa unit ko ay ngiting-ngiti na iniwan ko ang laptop sa living room at halos takbuhin na ang pinto para pagbuksan si Mark. He was all smiles in front of me! Sino ba namang hindi mapapangiti pagkatapos lumabas ng result ng exams at makita mo ang pangalan mo sa listahan ng mga pumasa? And he didn’t just pass the board exams! Isa pa siya sa mga topnotchers! He really aced the exams like what he promised me! “Congratulations, Engineer Corpuz!” Maluwang ang ngiti na bati ko kay Mark. Nakita kong kinagat niya ang ibabang labi at saka inilahad ang mga braso niya sa akin. Natatawang humakbang ako palapit sa kanya at saka kinawit ang mga braso ko sa batok niya. Bumaba ang mukha niya at agad na sinalubong ng halik ang mga labi ko. Muntik pa akong mapatili nang buhatin

